Chapter 13

14.1K 414 14
                                    

Jerks


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Timothy ano ba! Ibaba mo na ako sabi e, nakakainis ka na!" Muli kong utos sa hindi ko alam kung pang-ilang ulit na ba.


Kanina ko pa sya pinipilit ngunit kahit na anong pagpupumilit ang gawin ko hindi niya ako ibinababa. Kaya ko namang maglakad, kaya ko ang sarili ko. Ginagawa niya akong para bang paralisado sa pwesto kong ito kahit kaya ko namang maglakad. Pero kahit anong gawin ko matigas talaga siya at hindi nakikinig.


Lahat na rin ng mga nakakasalubong namin umiiwas at binibigyan na kami ng daan dahil masyado siyang agaw pansin. Nasa unang palapag palang kami ng Silver building at talagang nagkalat na ang maraming estudyante sa buong paligid. Hiyang-hiya ako sa posisyon ko samantalang siya mukhang natutuwa pa sa atensyong nakukuha namin sa lahat. Tama ba ito? Sa tingin ba niya nakakatuwa? Sa tingin niya maganda ang ganito?


"Timothy! Hindi ka na nakakatuwa! Ibaba mo na ako ano ba!" I don't care about the people around us. Wala na akong pakialam sa kanilang lahat. Sisigaw ako hanggang sa mabasag ko ang eardrums ng lokong lalaking ito bitawan lang ako.


I was so tired for this past few days. Ilang araw pa lang pero ang katawan ko overused na. I am tired physically and mentally. Hindi ko na alam kung paano umisip ng tamang istilo o paraan para magkaroon ng isang mapayapang araw. Iyon bang isang normal na araw na walang kahit na sino sa paligid ko ang mang-iistorbo. Isang normal na araw na ipaparamdam sa akin na kahit nasa impyernong lugar ako na ito ay estudyante pa rin ako. May karapatang makapag-aral ng maayos, makakakain ng tahimik sa cafeteria, makapasok ng tamang oras sa bawat klase, makapaglakad ng tahimik sa bawat hallway.


Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit isang araw lang sanang gano'n. Isa lang!


"Like what I've said Cassiopeia, I'll put you down if you kiss me. No kiss then, no way." Saad niya sabay kindat at ngiti ng nakakaloko.


Parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan hanggang sa aking batok dahil doon. Hindi ko na alam kung paano ba gumana ang utak niya pero pakiramdam ko wala na talaga siya sa tamang pag-iisip.


Pinakatitigan ko ito habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon at iniisip ko na sana merong kuryente ang mga mata ko na kaya siyang patayin ng matapos na ang kahibangan niya but then imagination don't kill, but I wish I can make those things to happen so that I can kill this bastard.


He's really an asshole.


"IBABABA MO BA AKO TIMOTHY CRAIG O SASAKTAN KITA


"Oh great! Not again!" Natigilan ako ng marinig kong bumulong siya sa kanyang sarili.


Hindi sa akin nakatingin kung hindi sa malayong parte habang tila naiirita sa isang bagay. Saan siya nagagalit? Sa akin ba? Bakit siya magagalit samantalang ako itong kanina pa niya sinisira ang araw ng tuluyan? Hindi ba at ako itong dapat na mairita sa kanya? Ngunit ng mapansin ko na mukhang hindi ako ang tinutukoy niya lalo akong naguluhan. Diretso ang kanyang mga tingin sa unahan at hindi na ito inalis doon.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now