Chapter 67

10.1K 243 2
                                    

Divided into two


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


We already left the hospital at sumama ako kay Lance sa condo niya. Alam ko na magagalit sa akin si kuya Aidan pero hindi na iyon ang dapat kung isipin. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eya, hindi naman ako kinumbinsi ng iba. Shainna just told me to think about it first.


Alam ko na hindi ito madaling desisyon. Ang totoo niyan, bumalik ako rito dahil gusto na muli silang makasama pero dahil sa mga nangyayari, isang parte sa akin ang gusto na lang umalis, ang lumayo. Mas pipiliin ko siguro iyon as long as they are safe. Hangga't alam ko na ligtas sila, mas pipiliin ko na umalis na lang. Hindi ko kayang ipagpalit ang buhay ng mga kaibigan ko at maging selfish.


"So what are your plans now? Kung gusto mo na lumayo rito, susuportahan kita but I will never leave your side. I also want to ensure your safety Cassiopeia. At hindi na ligtas para sayo ang lugar na ito."


"B-but I want to be with my friends, Lance." Gusto ko silang makasama.


Tama si Eya, nagulo na ang buhay naming lahat. At kung maghihiwa-hiwalay pa kami sa panahon na ito, lalo kaming masisira. Pero paano kung lalo silang mapahamak?


"Gusto ko rin na makasama mo sila pero hindi na ligtas sayo ang lugar na ito."


"Hindi na ligtas? Kahit naman noon, hindi ba? May magbabago ba kung babalik ako? Paano kaya kung bumalik na lang ako sa Daemon's Academy? Paano kung doon na lang ako ulit—


"No!" Nagulat ako sa sa biglang putol sa akin ni Lance. Medyo tumaas ang boses niya at nakita ko ang matinding pag kontra sa kaniyang mga mata kaya patanong na kumunot ang noo ko.


"H-huh? Bakit? Hindi ba at doon naman kayo nag-aaral?"


Pare-pareho kami na nasa huling taon na ng college kaya bakit hindi na lang ako bumalik sa Academy? Isa pa may point si Eya. Siguro ay mas okay kung magkakasama naming haharapin ang gulo na nangyayari.


"Ayaw mo non, Lance? Magkakasama tayo ulit. Gagraduate ng sabay. Bukod sayo, kasama ko rin ang mga kaibigan ko. Pwede tayong bumalik sa dati—


"Daemon's Academy is no longer safe, Cassiopeia. Hindi na ito ang Academy na nakilala mo noon." Buo ang kaniyang boses ang matigas ang tono kaya medyo nabahala ako.


"Anong ibig mong sabihin?"


Ngunit bago niya pa iyon masagot ay pareho na kaming naistorbo ng kaniyang cellphone dahil sa isang tawag. Tiningnan niya iyon at nakita ang pangalan ni Terrence sa screen.


Tumayo at lumayo ng konti sa akin si Lance para sagutin ang tawag.


Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now