Chapter 18

13.9K 383 5
                                    

Bloody Race


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


I have a mark at the back of my right shoulder. I lost my memories years ago, there's a fire, darkness, bloods and the unconscious body of my friends lying on the floor inside of that abandoned building. A man called us Artemis, that man called me Aphrodite too and kuya Aidan told me that I used Aphrodite as my name for hiding my true identity inside Underground. I used not just a different name I also had a different look. Really different from the Cassiopeia now.


They told me I lost my friends on that night, patay na sila at walang nakaligtas maliban sa akin. Ngunit ngayon, nakatayo sa harapan ko ang mga babaeng may parehong marka katulad ng akin. Hindi ko alam kung paano pero iyon ang isa sa ikinagugulo ng utak ko ngayon.


"Eya tama na 'yan." Hindi na halos maipinta pa ang mukha ng babaeng hawak ko ang kamay ng pigilan ito ng isa sa mga kasamahan nila.


Tumingin ito ng madilim sa akin bago marahas na inagaw ang kanyang kamay pabalik. Doon ko lang napansin na wala pa rin pa lang bumibitaw sa aming dalawa. Maliban sa sukatan ng mga titig ay nagpapahigpitan pa kami ng hawak sa isa't-isa. Hindi niya ako binitawan at ganoon din naman ako sa kaniya bago ko nilingon ang ilan sa mga ito.


Nagliliyab na mga mata ang tumambad sa akin, mukhang ang galit ng isa para sa kanila ay galit ng lahat pero anong pakialam ko? As if naman matatakot nila ako sa mga mata nilang iyon.


Ako si Cassiopeia. At hinding hindi ako madadala sa mga simpleng pananakot. Isa pa, napaka-immature. A simple misunderstanding should not be tolerated. Hindi na dapat pang pinapalaki. But on the other side, mukhang umaayon naman sa plano ko ang mga nangyayari.


Gusto ko magpapansin sa kanila para mapalapit at mas makilala ang mga ito at malaman kung ano ang koneksyon nila sa nakaraan ko at mukhang ito na ang unang hakbang. Napangiti ako sa isipin na 'yon. More steps to go Cassiopeia...


"Huwag ako ang pagsabihan mo, Skyblu! Iyang si Shainna! Mukhang nasisiraan na ng ulo." Tukoy niya sa babaeng nakatayo pa rin sa aking harapan matapos ang marahas na pagbawi ng kanyang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ko.


"Shainna, are you out of your fucking mind?" Galit nitong tanong sa babae. Ngunit hindi ito natinag. Ang matatalim na titig noong Shainna ay nanatili sa akin. Tila ba pinapanood at inoobserbahan ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung para saan. Basta ang matatalim niyang mga mata ay sa akin lang nakatuon. Nakilala nya ba ako? Kilala nya ba ako?


Lumapit pa iyong Eya sa kaniya, ang galit na nasa kanyang mga mata ay lalong tumalim. Humakbang siya palapit doon sa Shainna at kulang na lang hilahin niya ito palayo sa sobrang iritasyon. Lumapit ito na para bang sinasabi sa kasama na nahihibang na ito sa kaniyang desisyon, at sa tingin ko pa kung kaya niya lang itong saktan nagawa na niya kanina pa.


But based on the way she treated her, parang iginagalang niya ito, tila ba mas nakakataas? I don't know. Ngunit, nang umiling lang ang babae bilang sagot nakita ko siyang tumingin sa akin at inirapan ako. Mukhang hindi niya ako gusto but it's fine, the feeling is mutual.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now