Chapter 35

12.9K 382 11
                                    

Queens of Road


~~~🌸~~~


Kenneth's Point of View


Abala ang lahat. Abala sa mga iniutos ni Lance. Si Red na may kausap sa kaniyang cellphone na siguradong isa sa mga naghahanap na ngayon at sina Dave na busy sa kani-kanilang laptop.


There's only one mission. One mission for the whole Hades pero hindi ako nangingialam sa mga hakbang nila. Nanatili akong tahimik sa isang tabi habang umiinom ng biglang pabagsak na bumukas ang pinto.


"Any update?" Tanong ng bagong dating na si Lance.


Kahit na kalmado ang boses ay alam kong malapit na siyang sumabog. Kitang-kita ang pagtitimpi niyang ginagawa mula pa kanina habang nagbibigay ng utos sa lahat. Nagkatinginan na lang kaming lahat. Halatang ayaw sumagot ng iba dahil sa takot na maaaring sa kanila ibaling ni Lance ang galit.


"Ano?!" Napapikit ako ng konti sa bawat pagtaas ng boses nito.


Tiningnan niya kami isa-isa pero sadyang wala kaming maibibigay na balita. Hindi namin makita si Dos. Ayaw ring sabihin ng mga myembro ng Zeus. Alam nilang mapapahamak ang kaibigan nila sa oras na makita namin at lalo na ni Lance.


"Hindi pa namin siya makita Lance. Pero hinahanap na namin." Sagot ni Red dahil isa siya sa nangunguna sa paghahanap.


"That's not enough! You're not doing it right! I need to see Sebastian! Dalhin niyo siya sa akin!"


"Lance hindi ganun kadali. Alam mo naman ang Zeus hindi ba? Hindi nila ilalabas ng ganoon-ganoon ang kasama nila lalo na't alam nilang baka mapatay mo ito."


I am not reacting too much. Alam ko lang talaga kung paano siya kumilos. Kilala ko si Lance. Sa tagal ng pagkakaibigan namin sa ilang bagay lamang siya nagagalit ng ganito. Kaya't naiintindihan ko.


"Wala akong pakialam sa kahit na anong dahilan niyo Kenneth! Basta dalhin niyo rito ang Sebastian na iyon at ako mismo ang papatay sa kaniya."


"Isa pa 'yan!" Pati ako ay bahagya na ring napataas ang boses. Inilapag ko ang bote ng beer sa mesa na nasa harapan para maharap siya ng maayos.


"Maghinay-hinay ka Lance! Galit ka kay Dos, oo naiintindihan namin. Pero sana isipin mo rin ang ilang bagay. Hawak ni Uno ang Zeus, hindi magandang bagay kung


"Wala akong pakialam sa kahit na kanino Kenneth! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Cassiopeia!"


Natigilan ako. Napatanga habang nakatingin lang sa kaniya na galit na galit. Pagbayaran? Muli kong kinuha ang bote ng beer na nasa harapan ko at inisang lagok ang nasa mahigit kalahating laman nito.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now