Chapter 38

11.9K 391 9
                                    

Artemis


~~~🌸~~~


Yen's Point of View


Habang tumatagal ay lalong nagiging malamig ang simoy ng hangin. Alas-tres na rin ng madaling araw at hanggang ngayon hindi pa natatapos ang laban. Isang oras na ang nakakalipas. Pero ang bawat minuto ay tila ba nagbabaga.


Habang tumatagal ay lalong umiinit ang laban. Kahit gaano kalamig ang panahon ay nasasalungat nito ang ipinaparamdam ng nangyayari sa gitna. Kulang na lamang ay lumiyab ng tuluyang ang buong arena dahil sa tindi ng nangyayaring laro sa gitna.


Hindi ko na rin mapigilan pero kanina ko pa iniisip ang resulta ng labang ito. Kanina ko pa iniisip kung anong mangyayari gayong ang mga naiwang grupo sa gitna ay ang pinakamalalakas sa lahat.


"Just trust her, Yen! She can make it!" Paalala sa akin ng katabi kong si Amber habang magkasama naming pinagmamasdan si Cassiopeia na nagsisimula na muling magpabagsak ng mga kalaban.


Nangingiti ko itong pinagmasdan. Oo alam ko, tiwala lang kay Cassiopeia at magiging maayos ang lahat. Alam kong kaya niya ito. Kayang-kaya. May tiwala naman ako sa kaniya. Hindi ko lang mapigilang hindi mag-alala. She's our friend and I cared for her.


"She's a monster!" Komento pa ni Faye habang pinapanood kung paano maging halimaw si Cassiopeia sa gitna.


"You know what? Iniisip ko na immortal ang babaeng 'yan. Tingnan niyo, parang walang nangyari sa kaniya kanina." Namamanghang komento ni Faye na sinusundan ng tingin ang sasakyan ni Cassiopeia.


"Cassiopeia is Cassiopeia, Faye. She's unbelievable."


"Well I agree on that Amber. She is, really."


Natutuwa ako sa pakikinig sa mga komento nila kay Cassie habang pinagmamasdan ang sunod-sunod na pagpapabagsak nito sa mga kalaban.


Mariin pa akong napapikit nang makita ang malakas niyang pagwasak sa likurang bahagi ng sasakyan ng isa bago ito tuluyang pinabaliktad sa gitna.


"That's Poseidon, right?" Tanong ko, ang tinutukoy ay ang kababaliktad lang na sasakyang kulay puti sa gitna sa kagagawan ni Cassiopeia.


I am sure that's the one who did that to Cassie earlier.


Tumaob ang sasakyan nito sa gitna katulad ng ginawa niya kay Cassiopeia kanina pero bago tuluyang mapabaliktad ay ilang ulit muna niya itong binangga kaya sigurado akong hindi na ito makakabalik sa laban.


At nasigurado iyon ng lahat, ng isa sa miyembro ng Poseidon ang tumakbo sa gitna kung asan ang kanilang kasama habang may hawak na puting tela. Ang tela na balak ko rin sanang iwagayway kanina para kay Cassiopeia.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now