Chapter 60

9.2K 270 6
                                    

Organization



~~~🌸~~~


Terrence's Point of View



"Lance kami na ang bahala rito. Ilabas mo na si Cassiopeia!" Masyado ng komplikado ang mga nangyayari but our top priority is to rescue them. Kaya mabilis ko ng pinutol si Lance kahit na halos hindi na mabali ang matalim at galit na titig niya sa lalaking may hawak kanina kay Cassiopeia.


"Lance si Cassiopeia! Ano ba!" Wala ng malay si Cassiopeia habang nasa mga bisig niya pero hindi pa rin nawala ang galit na galit na titig nito sa lalaki. I know what he can do, ang akin lang sana ay maging maayos at makalabas dito ng ligtas ang mga bihag nila. After that, we can deal with the rest.


"Stephen..." Tawag niya sa isa sa mga kasama namin ng hindi ako nililingon o pinansin ang mga sinabi ko.


"Ilabas niyo na rito si Cassiopeia. Kayo na ang bahala." Agad itong lumapit at maingat na kinuha si Cassiopeia na wala ng malay.


Ngayon ako, si Lance at iyong lalaki na lang ang naiwan. Lahat sila ay lumabas na dala ang mga babaeng kaibigan ni Cassiopeia.


Tumayo si Lance at lumapit doon sa lalaki. Gusto ko sana na pumagitna pero sa lagay ngayon ni Lance ay hindi ko alam kung iyon ba ang tamang gawin. Galit na galit ang mga mata nito na alam kong ilang konting bagay ay maaaring magpalala ng kaniyang mga galit.


Pero ang lalaki na nasa harapan namin ay nagawa lang tumawa ng malakas at saka inangat ang baril niyang hawak sa tapat ng mukha ni Lance.


"Hades, huh?" 


Nanliit ang mga mata ko. This man is Rhian's brother pero hindi ko makita ang dahilan nila para gawin ito. I know a slight story behind this, pero hindi ako sigurado sa ibang bagay. There is a lot we need to know.


"This is my very first time to see you in person at ganito kalapit. And I am happy to meet the Hades leader, before you die." Dagdag nito habang nakahanda ang baril na hawak na nakatutok pa rin kay Lance.


Hindi na ako nag paligoy-ligoy, he could pull that trigger anytime kaya mabilis ko ring inangat ang hawak kong baril at itinutok sa kaniyang sentido. Before he can be able to do that, I'll make sure I will make his brain explode.


Lumingon siya sa akin bago muling ngumiti as if he is enjoying this. But it was then, too late ng marealize ko na hindi siya sa akin nakatingin. It was from the man behind me and I realized it when I felt the tip of his gun at the back of my head.


"One wrong move, and your brain will explode." Sabi ng lalaking nakatayo sa likuran ko habang nakatutok sa akin ang hawak niyang baril. Hindi ko ito kilala, o kahit ang boses pero ng magsalita ang kasunod niya doon ako nakakasiguro that we are on a fair fight.


"Do it! And I'll make sure that your empty brain will be the next." That was Kai's voice.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now