Chapter 28

15K 413 10
                                    

Ace


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"I-I need to go." Inalis ko ang kamay ni Kenneth na nakahawak sa akin pero hindi niya ako hinayaan.


Bumaba pa ang kanyang kamay mula sa aking balikat hanggang sa aking kamay at pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Napatingin ako sa kaniya ng may pagtatanong. Nasa harapan pa rin kami ng mga kaibigan niya at hindi maganda na ganito siya umakto. Ayoko ring seryosohin ang mga sinabi niya kanina kaya binalewala ko na lang ang mga ito. Alam ko na inamin ko na sa sarili ko pero hindi ko pa rin gusto ang ganito. Hindi ako komportable at para bang hindi ko gusto ang sinabi niya.


"Mag-iingat ka. Pupuntahan na lang kita mamaya. We also need to talk." Muli niya akong hinila palapit sa kaniya at muli, sa ikalawang pagkakataon, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na halos ilang pulgada na lang ang pagitan. At ng umamba sya na papatakan ako muli ng halik ay ako na ang umiwas.


Naguguluhan na rin ako sa sarili ko, but one thing is for sure. Gusto ko na umalis dito. Nang makabalik ako sa aking katinuan, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Mabilis ko siyang itunulak palayo. I tried to look at his friends pero mabilis din akong napayuko. Ni-hindi ko man lang sila matingnan ng diretsyo dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi na ako nag-isip ng kung ano pa at walang sabi-sabing tumakbo palabas, palayo sa kanilang lahat. Hindi na rin ako nagpaalam ng maayos. Masyado ng nakakahiya ang lahat.


I need air. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sobrang dami ng mga nangyayari. Pakiramdam ko unti-unti ako nitong pinapatay. And from what I did? Alam ko na sinadya ko ang ginawa ko kay Kenneth kanina. Hindi ko rin talaga alam kung bakit but some part of my mind is telling me that I did that to show it to Lance. Hindi ko sigurado kung bakit at para saan pero kahit ako nagulat na lang sa ginawa ko.


Naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya, na gusto ko si Kenneth pero bakit... bakit parang hindi ko gusto ang mga sinabi at ang ginawa niya kanina? I should be happy, right? I like him, I like Kenneth Salvador. But why do I have this feeling that this isn't right?


Oh geez! Please give me a damn peace of mind. This is killing me!


Nagmamadali akong naglakad para makalayo sa lugar nila but the voice from somewhere made me stop once again. Lalo na at ng makilala ko ang boses na iyon.


"Kung andito sila Amber malamang nandito rin si Aphrodite."


Sa gitna ng pagmamadali ko para lang makalayo, bigla akong napatigil ng may marinig akong mga boses na nag-uusap. Nagmumula ang mga boses na iyon sa isang bukas na pinto sa isang bakanteng silid. The door is open and their voice is loud enough for me to hear.


Nagtago ako sa isang gilid. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ang pangalang Amber at Aphrodite kusang huminto ang mga paa ko. Eavesdropping is not right, yeah I know that. But I can't help it. Lalo na at involved ang pangalan ko sa mga nag-uusap.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now