Chapter 31

12.9K 429 8
                                    

Cold


~~~🌸~~~


Yen's Point of View


"Hoy babae asan ka na?"  Tanong Faye mula sa kabilang linya. Lalo akong nagmadali. I am also half running. Bakit ba kasi sila nagmamadali? Nakakainis naman!


"I'm on my way. Just hold on! Will you?" Ayoko sa lahat ang pinagmamadali ako. Hindi ko gusto ang hinabol ang oras. Natataranta ako at ayoko ng gano'ng pakiramdam.


"Okay hintayin ka namin dito. Bilisan mo na! Napakabagal mo talaga kahit kailan para kang pagong! By the way...."


Bigla akong napatigil sa paglakad-takbo nang makita ko sina Eya , Crizel at ang buong Athena na nasa gitna ng hallway. Anong ginagawa nila rito?


Pinatay ko na ang tawag at hindi na inintindi pa ang mga sinasabi ni Faye. Kahit ang totoo ay wala na talaga akong ibang maintindihan maliban sa pagmamadali niya sa akin. Nalipat ang buong atensyon ko dahil sa buong Athena. Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang mga ito na hindi naman kalayuan ang lugar mula sa akin.


Tumago ako sa isang gilid. Tapos na ang klase namin para sa araw na ito at oras na para sa ikalawang araw ng aming parusa. Napakaraming nangyayari sa paligid. At pakiramdam ko sa bawat araw ay may panibagong sakit sa ulo na nadadagdag. Hindi pa nga nasosolusyonan ang isa ay may dumarating na namang panibago.


Habang nakatago sa isang gilid ay sinubukan kong pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito. Alam ko na hindi tama ang pakikinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan. Para itong magnet na hinihila ako para makinig.


"Alam niyo na ba ang balitang kumakalat ngayon sa buong Underground? Kanina lang pero kalat na kalat na ito ngayon." Narinig ko ang boses ni Crizel habang kausap ang kaniyang mga kasama.


Oh! Ngayon alam na nila? Mas maaga sa inaasahan namin, huh? Mas maganda ito. Dumungaw ako ng konti para makita ang mga nag-uusap-usap at nakita kong kompleto nga silang lahat. Ang buong Athena.


"Oo alam na namin. Artemis is back?" Sarkastiko ang boses ni Eya. Halatang hindi gusto ang kaniyang narinig.


"Paano naman mangyayari iyon? Maaari lang nilang itayo muli ang Artemis kung kasama na nila ang leader nito." Kumunot ang noo ko roon.


Maaari lang nilang itayong muli ang Artemis kung kasama na nila ang leader nito? Eh bakit hindi nila iyon gawin? They have Rhian now and they believe that she's Aphrodite, kaya bakit hindi, 'di ba?


Kung totoo ngang naniniwala pa rin sila doon, iyon na sana ang ginagawa nila.


"Hindi kaya sina Amber ang grupong iyon?" Dagdag naman ni Sarah.


Sandali lang! Kilala ba nila kami? Paano nila nasabing maaaring kami iyon? Lalong lumakas ang kutob ko para sa isang bagay. Isa sa mga iniisip naming dahilan ay baka pinaglalaruan nila kami. Umaakto silang hindi kami kilala.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ