Chapter 66

9.5K 263 1
                                    

Selfish

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Huhulaan ko, si Dos 'yan ano?" Walang ganang sagot ni Terrence na parang wala lang ang balitang iyon.


Si Dos?


Oo nga pala. Hindi man lang ako nakapagsabi sa kaniya kagabi o kanina. Si kuya Aidan lang ang nabalitaan ko kung asan ako. Malamang na nag-aalala na rin siya. And from the fact na sumugod na sila rito, maaring gulo lang ang dulot kung hindi pa ako mauuna na harapin ang mga iyon. I know Dos, sa kabila ng pag-uusap namin noon ay alam ko na hindi pa rin maayos ang tingin niya kay Lance. Alam ko na may galit pa rin ito.


"Ako na ang lalabas—


Pero bago ko man lang makumpleto ang sasabihin ay nauna na si Lance na naglakad sa akin palayo. Damn it!


"Lance!" Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.


Hindi ito ang tamang panahon para magharap silang dalawa dahil alam ko na pwedeng gulo lang ang dulot noon. Lance was really mad at Dos. Alam ko iyon, at ganun din si Dos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit niya kay Lance kaya mas mabuting ako muna ang humarap sa kanila. At kung narito rin ang mga kapatid ko, hindi magandang magkaharap-harap sila sa mga oras na ito.


"Hayaan mo muna akong humarap sa kanila, please." Nakiusap ako pero mukhang wala siyang balak na umatras.


"Malaki ang kasalanan sa akin ni Sebastian, Cassiopeia. Let me talk to him."


"No!" Hindi pa ako nasisiraan ng ulo. Kahit sabihin niya na usap lang ang gagawin ay hindi ako naniniwala. Sinong niloloko niya? Sa tingin niya papayag ako ngayong halos nag-aapoy na siya sa galit?


"Please! Let me handle this. Hayaan mo muna akong kausapin sina Dos. Hindi ko rin nasabi sa kaniya kung asan ako kagabi kaya malamang nag-aalala iyon sa akin—


"He doesn't need to know. I am your boyfriend!"


Halos matampal ko ang sarili kong noo dahil sa mga sinasabi niya. Fine! Yes, I understand his point but still, Dos was a good friend of mine kaya alam ko na nag-alala siya sa akin kagabi and I feel guilty for not telling him at least that I am okay. Hindi ko alam kung gaano siya nag-alala, kung gaano sila nag-alala para sa akin lalo na at halos biglaan na lang akong nawala kagabi.


"Look, Lance!" Humarang ako sa kaniyang harapan at hinawakan ito sa dibdib at bahagya siyang itinutulak paatras.


"I understand and I get your point, okay? But let me talk to them first. Ayoko ng gulo, so please." Hindi ko gustong ipamukha sa kaniya na gulo lang ang hatid nila pero kailan ba sila nagkaharap na hindi sila halos magpatayan?


Sa pagkakatanda ko ay hindi pa iyon nangyari kahit isang beses kaya paano ako maniniwala na usap lang ang gagawin nila gayong pareho nilang gustong patayin ang isa't-isa?

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now