Chapter 14

14.8K 419 8
                                    

Death Race


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Sa dami ng mga nangyari simula ng umapak ako sa lugar na ito, ngayon lang ako nakaramdam ng totoong pahinga, pahinga na matagal ng inaasam ng katawan at utak ko sa loob ng ilang araw. Para bang sa wakas! Matapos ang impyerno, naranasan ko rin ang langit. Sa loob ng mahabang oras ng kapayapaan nakapagpahinga ng totoo ang katawan at utak ko mula sa mga pahirap ng lugar na ito.


Ngunit sadya nga talaga na hindi lahat ng bagay mananatili hanggang dulo. Dahil sa kalagitnaan ng pagtulog at mapayapang pagpapahinga, darating at darating pa rin talaga ang mga taong walang magawa sa kanilang buhay kung hindi ang mang-istorbo ng ibang tao.


Natigil ang pagpapahinga ko ng marinig ko ang walang tigil na pagtunog ng aking cellphone mula sa bed side table, ngunit hindi ko ito pinansin. Nasa gitna ako ng masaya at mapayapang pagpapahinga at hangga't maaari ayoko ng istorbo! Walang pasok ngayong araw kaya balak ko lang din magpahinga buong maghapon.


Ngunit hindi tumigil ang ingay. Pero kahit na ganun hindi ko binuksan ang mga mata ko dahil alam ko na hindi magtatagal at titigil din iyon. Pero ng hindi talaga tumigil na umabot na ng ilang minuto, tinakpan ko na ang ulo ko gamit ang unan sa gilid.


Oh great! Just great!


Nagmumura na rin ako sa utak ko pero pilit ko itong hindi pinansin. Ngunit katulad ng ilang bagay, may hangganan din pati na ang pasensya ko kaya naman ng hindi ko na ito natiis. I picked up my phone and ready myself to kill that someone on the other line.


"FUCKING MAKE SURE THAT IT IS FUCKING IMPORTANT OR ELSE I'LL DO FUCKING DRAG YOU ON THE DEEPEST HELL! MOTHERFUCKER!" Sigaw ko sa nasa kabilang linya habang umuusok sa sobra-sobrang galit.


Ayoko sa lahat ang naiistorbo sa pagtulog lalo na at ngayon lang ako nakapagpahinga matapos ang mga napagdaanan ko sa loob ng impyernong lugar na ito. What happened between me and those bitches from Black Phoenix, tinupad ni Drake ang pangako niya pero hindi iyon sapat para makampante ako. Kaya kahit na hindi na nila ako ginulo sa mga sumunod na araw hindi pa rin ako nakaligtas sa baliw kong mga kaklase na miyembro naman ng Hades.


Kaya ngayon, sino ba ang lapastangang tatawag ng ganitong oras? Makakapatay talaga ako ng tao. Mga bastos!


"Ouch! Cassie ano ba? Ako 'to si Amber." I heard a calm voice from the other line but then it doesn't change the fact that she disturbed me from my peaceful rest.


"Anong kailangan mo?!" Galit na tanong ko at hindi binago ang pagliliyab sa tono. Ngunit hindi katulad kanina, hininaan ko na ang boses ko.


"Ito naman masyadong high blood. Gusto ka lang naming kumustahin, we visited you yesterday sa room mo pero hindi ka namin nakita. Hindi ka rin pumasok kahapon ng buong araw. Where have you been? Iniisip ko tuloy kung iniiwasan mo ba kami?" Nag aalala niyang tanong.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now