Chapter 56

9.8K 276 7
                                    

Mask


~~~🌸~~~.


Cassiopeia's Point of View


Sinubukan ko na ang lahat para makawala pero walang saysay ang lahat. Nanatili ang mga kamay ko sa pagkakatali nito mula sa itaas. Ilang beses na rin nila akong kinalagan kanina para pakainin pero pagkatapos ay ibinabalik rin sa dati kong pwesto. Sinubukan ko mang kumawala pero wala ring saysay dahil sa dami ng bantay sa akin na halos nakapaligid at hindi ako hinahayaang mawala sa kanilang paningin.


Hindi ko rin magawang makagawa ng anumang ingay o salita maliban sa mga ungol dahil sa tali sa aking bibig. Gusto ko silang murahin, gusto ko silang saktan. I even wants to kill all of them. Kung may pagkakataon lang, kung sasang-ayon lang sana sa akin ang kapalaran. I will kill them all. I'll drag them to the deepest hell. At doon sila papatayin. But I can't. I just can't. Ito ako. Nakatali. Hopeless. Walang laban. Walang magawa kung hindi ang patayin lamang sila sa utak ko.


Halos hindi ko na maigalaw ng maayos ang mga kamay ko. Halos hindi ko na rin maramdaman ang ilang parte ng katawan ko. Dala marahil ng pagod, dahil sa sobrang pangangalay dahil sa posisyon ko. Noong una ay nararamdaman ko pa ang sakit sa iba't-ibang parte ng aking katawan pero ngayon ay tila ba onti-onti na akong nangingimi.


Hindi ko na rin alam kung ilang araw na ba ako rito o oras. Dahil kahit konting liwanag ay wala pa rin akong masilayan. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan pa nila ako balak na ikulong dito pero mula ng araw na dumating iyong kapatid ni Rhian, hindi pa siya muling bumabalik.


Nanghihina na ako. Nilalamig. Ramdam ko rin ang ilang sakit ng bawat sugat at pasa sa ilang parte ng aking binti na hindi ko alam o matandaan kung kailan ko ba nakuha. Habang tumatagal ay lalo kong nararamdaman ang kawalan ng pag-asa.


Bakit wala pa rin sila? Bakit wala pa siya?


Hindi ako sigurado kung gaano na ba ako katagal dito but I'm sure mahigit na sa isang araw. At hanggang ngayon wala pa ring tulong ang dumarating. Bakit? Wala pa rin bang nakapansin na nawawala ako? Hindi ba nila ako hinahanap? Kahit ang mga kapatid ko? O hindi kaya ay pinabayaan na nila ako? Wala na ba silang pakialam sa akin? I tried to move again at naramdaman ko lang ang mga sugat ko. I'm sure it will take a very long time to heal. 


Abala ako sa pag-iisip kung paano tatakas sa impyernong ito ng biglang bumukas ang ilaw. Mariin akong napapikit. Halos sumakit ang mga mata ko sa biglang pag liwanag ng buong paligid. Matapos makapag-adjust sa liwanag ng paningin ko ay doon ko nakita ang nasa mahigit sampung naka-itim at nakabantay sa akin. Hindi ko sila napansin kanina dahil sa sobrang dilim ng paligid.


Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang isang pamilyar na mukha. Kaagad na nagtangis ang bagang ko. Dumilim ang aking paningin habang pinapanood ang lalaki sa paglapit sa akin.


Tiningnan ko siya ng sobrang dilim. Kahit sa pamamagitan lang ng mga titig ko ay maiparating ko man lang ang galit ko sa kaniya. Napakawalang-hiya niya!


"Hi there again, gorgeous! Pasensya na may inasikaso lang ako kaya hindi kita muling nadalaw." Lumapit siya sa akin at huminto sa aking harapan. May mga kasunod siya pero tanging sa kaniya lamang ako nakatuon.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now