Chapter 61

10.2K 288 10
                                    

Closure


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Are you ready? Ayos ka na ba?"


Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero wala akong lakas para tingnan iyon. Nanatali lang akong nakatitig sa labas ng bintana, nakatulala, habang iniisip ang ilang bagay. Hindi ko na rin matandaan kung ilang oras na ba akong ganito.


Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung para saan, o dahil sa kung ano. Kahit na ang totoo ay wala naman akong ginagawa, just by thinking, pakiramdam ko nauubos ang lakas ko. Thinking of the things, things I don't even know how to fix anymore.


Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa aking tabi. Naupo siya sa gilid ko pero hindi pa rin ako gumalaw o lumingon.


"Are you okay? May problema ba?" Tanong muli ni Dos. Pero hindi ko pa rin siya magawang lingunin. His sweet voice was like a lullaby to my ears. Inaaya man ako noon na lingunin siya, but I was too preoccupied of something na kahit simpleng bagay na iyon ay hindi ko magawa. Hindi ko rin mapilit ang sarili ko na sumagot. Ilang buntong hininga pa ang halos sunod-sunod kong pinakawalan dahil sa ilang bagay na hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa akin. I want to have peace, kahit ngayon lang sana pero hindi na talaga at mawawala sa akin ang mga pangamba.


Nakatulala lang ako. Hindi ako sumagot at lumulutang lang ang isip. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko na nakapatong sa aking hita. Doon na ako parang nagising. Unti-unting bumaba sa kamay niya ang mga tingin ko kasunod ay ang pagsulyap ko sa kaniya sa gilid.


Agad akong sinalubong ng matamis niyang mga ngiti ng magtama ang mga mata naming dalawa.


"What's wrong? Are you okay? Mukhang malalim ang iniisip mo." 


I've been like this since before kaya bakit pa siya nagtatanong? Hindi pa ba siya nasasanay sa akin? Nahihirapan ako at naguguluhan. Ni hindi ko makita ang tamang rason kung bakit ako pumayag sa ganito at umabot ng ganito katagal sa lugar na ito. All this time, para akong nakakulong. But they leave me no choice.


Simula noon wala akong kinakausap sa kanila ng maayos. Wala akong pinapansin at galit na galit ako sa kanilang lahat. For the nth time, pakiramdam ko pinagkaisahan na naman ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Pakiramdam ko they manipulated me again. They want to control everything!


But still, Dos has a soft spot on my heart. Nakita ko kung paano niya ako pinilit na pagbukasan siya ng pinto at intindihin kahit sa kabila ng lahat ng nangyari. After all this time, I saw how he struggle just to earn my trust again.


"I should be the one asking you that question. Are you okay?" Balik tanong ko sa kaniya nang mapansin ko ang pagod niyang expression pati na ang makapal niyang eyebags.


Bihira man akong makipag usap sa kanila, sa kaniya, at sa iba pa, but I still care about the people around me. Iyon na ata ang hindi mawawala sa sakin. Kahit galit ako sa kanila, mahal ko pa rin sila. Ilang araw ko na rin siyang nakikitang mukhang pagod pero wala siyang sinasabi sa akin.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now