Chapter 65

10.6K 258 5
                                    

Trust


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Cassiopeia, I know I'm not perfect. But I want you to know that I will do everything. I will always do everything for you."


Hindi ko na magawang iangat ang mga mata. Nanatili ang mga ito na nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. Masyadong okupado ang utak ko ng iba't-ibang bagay, kasama na roon ang pag-iisip kung dapat ko pa bang ibigay ang buo kong tiwala.


Mahirap para sa akin, lalo na at sa tuwing magbibigay ako ng tiwala ay halos walang matira sa sarili ko. I always gave everything, even when it hurt me in the end. Gusto kong magalit, magalit sa sarili ko, magalit sa taong sumira ng tiwala ko. Pero mahirap lokohin ang sarili lalo na at alam ko na, nagalit man ako pero hindi ako kailanman nagsisi na ibinigay ko ang tiwala ko kay Lance. Nagalit man ako sa kaniya, nagtampo but at the end of the day alam ko sa sarili ko na tama ang desisyon na iyon. I love him, kahit anong galit at tampo ay hindi noon kailanman nabago ang totoo kong nararamdaman.


"I don't know if I am on the right position to ask you this but," Hinawakan ni Lance ang baba ko para iharap sa kaniya.


Kahit na may pag-aalinlangan ay wala akong nagawa. Napatitig ako sa mga mata niya sa kabila ng namumugto kong mga mata. Halo-halo ang nagtatalo ngayon sa utak at sa puso ko. I am happy, happy that he is here. Nasa harapan ko, nakakausap at nahahawakan.


Pero isang parte sa akin ang nagtatanong kung tama ba ang nararamdaman kong ito. Masaya ako ngayon, at may parte na kuntento sa presensya niya sa kabila ng lahat ng nangyayari. Tama ba ito? Tama ba ang nararamdaman ko? Tama ba na maging masaya sa kabila ng lahat ng gulo?


"I want you to trust me again. Hindi ko mangangako ngayon, pero gagawin ko ang lahat para hindi masira ang tiwala na ibibigay mo ulit sa akin. I love you, Cassiopeia. Mahal na mahal kita. Trusting me again is enough for me to face everything." Hinalikan niyang muli ang likod ng mga palad ko.


"I am not asking for too much. I will not even ask you to believe me dahil alam ko na nasira ko na ang tiwala mo ng ilang ulit kahit na hindi ko sinasadya at hindi ko rin gusto. Ang gusto ko lang ay magtiwala ka muli sa akin. Kahit hindi buo, magtiwala ka lang. Hindi ko na iyon sasayangin. I will gave everything at handa ko rin isugal ang lahat."


Tuluyan ko ng hindi nakontrol ang mga luha. Para itong isang bukal na hindi na tumigil sa pagtulo. Pero sa kabila ng namumugto at nanlalabo kong mga mata dahil sa mga luha ay mahina akong natawa.


Hindi na niya kailangang makiusap sa akin. Dahil bago pa siya humingi ng tiwala, bago pa siya magsalita, ibinigay ko na sa kaniya ang lahat. Simula pa lang, nasa kaniya na ang tiwala ko. Natabunan man iyon noon ng galit at tampo, hindi naman nawala.


Lance always had the special place in my heart at nasa kaniya ang buo kong tiwala. Hindi niya kailangang magmakaawa dahil kusa ko iyong ibinigay sa kaniya noon paman. Mahal ko siya, mahal na mahal at kaakibat ng pagmamahal na iyon ay ang tiwala kahit na minsan ay nasasaktan na rin ako. Wala mang matira sa akin, hindi na iyon mahalaga.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now