Chapter 40

11.8K 331 5
                                    

I hate you


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"K-kuya anong gagawin niyo? Kuya Aidan!" Halos maghestirya ako sa kaba ng tumalikod sa akin si kuya.


Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero kinabahan ako ng husto. Anong gagawin nila kay Lance?


"Kuya!" Tawag ko muli sa kaniya at hinawakan ito sa braso para pigilin.


Huminto nga siya sa paglalakad at lumingon sa akin pero agad akong binalot ng matinding kaba ng salubungin ang kaniyang nanlilisik na mga mata. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig.


Ngayon ko lamang nakita ang galit na iyon sa mga mata niya. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa kaniya.


He's my brother, my protector, my savior. Pero sa mga oras na ito isang halimaw ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. But we are talking about Lance. Hindi iyon kung sino lang kaya hindi ko ito puwedeng hayaan.


Nilunok ko ang matinding bara sa aking lalamunan. Nilakasan ko ang aking loob na halos siyang nagpapalambot sa aking mga tuhod. Nangilid ang mga luha sa gilid ng aking mga mata pero ginawa ko ang lahat mapigilan lang iyon sa pagtulo.


"K-kuya Aidan please... don't hurt him. Huwag niyong saktan si Lance." Ngunit ang marahas na paraan niya ng pagtanggal ng aking hawak sa kaniyang braso ay nangangahulugan para sa akin bilang sagot sa naging pakiusap ko.


"Binalaan na kita Aphrodite! Ilang beses ko ng sinabi sa iyo ito noon! Layuan mo ang Dela Cruz na yan pero hindi ka nakinig sa akin ni minsan! At ngayon ito pa ang ginawa mo?"


"Pero kuya—


"Stop it Cassiopeia! Tumigil ka na!"


Tuluyang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Parang may bukal sa likod ng aking mga mata. Hindi ko na magawang pigilan dahil kahit ako'y hinang-hina. Anong gagawin nila kay Lance?


"K-kuya nakikiusap ako! Kuya!"


Tumango siya sa iba ko pang kapatid at kay Dos. Sabay-sabay ang mga itong tumayo at hindi ko alam kung saan pupunta. Kinabahan ako bigla. Para akong hindi makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.


"S-saan kayo pupunta? K-kuya!"


Hindi nila ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lamang sila patungo sa pinto ng hindi man lang ako nililingon.


"Kuya!!!" Tumakbo ako kasunod nila pero tatlong bantay kaagad ang humarang sa akin.


"Ano ba! Umalis kayo!" Itinulak ko ang mga ito pero wala sa kanila ang natinag. Para silang mga pader na humarang sa aking harapan.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now