Chapter 19

12.8K 381 7
                                    

Queen of Race


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Hindi ko alam kung maganda ba ang mga nangyayari. Gusto kong maalala ang nakaraan. Gusto kong bumalik ang mga alaalang nawala sa akin sa loob ng mahabang panahon. Gusto kong malinawan sa lahat, pero bakit pakiramdam ko hindi ito ang tamang panahon para sa lahat ng iyon?


Unti-unting lumilinaw, unti-unting bumabalik sa akin ang lahat, pero bakit hindi ko magawang magsaya?


Isang malakas na ingay ang alam kong gumulat sa lahat ng banggain ko ang unang sasakyan na nakaharap ko. Hindi ko alam kung sino iyon, hindi ko alam kung kaninong grupo nabibilang pero sa lakas ng pagkakatama nito, mabilis na nawala sa kontrol at balanse ang itim na sasakyan. Umikot ito sa paraang mahirap kontrolin hanggang sa tuluyang bumaliktad sa gitna.


Mabilis kong iniliko ang manibela palayo rito,


"One down motherfckers!" Bulong ko sa aking sarili.


Nang hawakan ko kanina ang manibela matapos kong pumasok sa loob ng sasakyang ito, inulan ng napakaraming alaala ang aking utak. Alaala na malinaw para sa akin, napakalinaw. Nahirapan akong mag-focus noong una kaya inabot ng ilang minuto bago ako tuluyang nakasali sa gitna. Nagdalawang isip din ako kanina kung tutuloy dahil gulong -gulo ang utak ko.


Napakasarap sa pakiramdam na muli kong nagagawa ang bagay na ito. Pakiramdam ko bumalik ako sa mga panahong iyon. Sa gabing iyon. Ang gabi na napupuno ang buong lugar na ito ng matinding hiyawan, sigawan, at ingay habang sinasambit ang pangalan ng grupo namin, habang binabanggit ang pangalan ko.


Tumingin ako sa salamin na nasa aking harapan, nakita ko ang panibagong itim na sasakyang paparating. Hindi ko sigurado kung kaninong grupo iyon dahil hindi naman ako katulad ni Jhorie na mukhang kilala ang lahat ng sakay ng bawat sasakyan kahit na gaano man kadilim at kakapal ng mga salamin nito.


Masyadong mabilis ang sasakyan at alam ko na sa akin siya patungo, ngunit sa halip na makaramdam ng takot o pag-aalala para roon tila ba alam na alam na ng katawan ko ang mga dapat gawin. Inapakan ko ang gas, lalo ko pang binilisan ang aking sasakyan palapit sa isang kulay pulang sasakyan na nasa harapan. Hindi para banggain katulad ng nauna kung hindi para malinlang ang nasa aking likuran. Nang malapit na rito ay 'tsaka ko mabilis na inikot ang manibela. Inikot ko ito papunta sa isang gilid at dahil doon, sumalpok ang itim na sasakyang nasa likuran ko patungo sa kulay pulang nasa harapan.


Nakaiwas ako matapos kong tumungo sa isang gilid.


"Two birds in one stone huh! Few more to go..." Dagdag ko ng makita kung paano magbanggaan ang dalawang sasakyan. Walang kahirap-hirap. Parehong tumigil ang makina ng dalawang sasakyan hanggang sa balutin ang mga ito ng makapal na usok.


Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking dibdib. Natutuwa ang kasamaan sa loob ko. Para bang hinihila at ibinabalik ako nito sa mga panahong ginagawa ko rin ito. Parang inuulit.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now