Chapter 52

9.5K 263 0
                                    

Plan


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Good Evening, hija! Maupo ka." Isang formal at medyo may edad ng lalaki ang unang bumati sa akin ng makarating kami ni Lance sa mahabang mesa, kung saan ilang seryosong mukha pa ang sumalubong sa amin.


Tiningnan ko ang mga ito matapos akong tumango at ngumiti sa matandang bumati. I was thinking if I know these people. Sinubukan kong isipin kung kilala ko nga ba sila pero tanging ang nakatatandang kapatid lang ata ni Lance ang namumukhaan ko.


Tumango rin sa akin si Lukas habang seryoso pa rin ang mga tingin. Naiilang man pero agad ko itong ginantihan, maliban na lang sa mga kasama nito na hindi maganda ang tingin sa akin.


"Here." Humila si Lance ng isang upuan na siyang inalok sa akin.


Ngumiti ako at ganun din naman siya sa akin. Maingat akong naupo, at ng mapagawi sa lugar ni Lukas ang aking mga mata, nakita ko kung paano kami nito pagmasdan. Pinanood nito ang bawat galaw ko at ganun din si Lance ngunit ng makita niya akong nakatingin ay kaagad siyang umiwas ng tingin at pinaglaanan ang mga pagkain na nasa harapan.


Sa kaniyang tabi, nakita ko ang dalawa pang lalaki na magkahawig. Mas bata ito kay Lance. Pareho ang mga itong malalim ang tingin sa akin, parehong madilim ang mga titig kaya agad akong hindi naging komportable. Ang mga tingin nila, pakiramdam ko ipinapahiwatig na hindi ako welcome sa hapagkainang ito.


Hanggang sa makaupo na ako ay hindi man lang nabali ang tingin sa akin noong dalawang lalaki. Bawat galaw ko ay pinagmasdan ng mga ito na tila walang nakaligtas kahit ang pinakamaliit kong mga kilos. Naupo na ako, at dahil nasa harapan ko sila, ako na lang ang umiwas ng tingin.


This is the worst dining area I've been with. Ni hindi ko magawang ilibot ang mga mata dahil hindi ko gusto na makita ang mapanuri nilang mga mata.


"Don't you dare, Lawrence! Or I'll kill you!" Sobrang tahimik ng lahat. Ni walang nagsalita matapos akong batiin ng pinakamatanda kanina na naritong kasama namin kaya ng biglang magsalita si Lance, agad ko itong nilingon.


"What's wrong? Dito ko gusto maupo and I know your girl won't mind, right darling?" Si Lawrence iyon. Tumingin siya sa akin habang suot ang kaniyang mapagbirong mga ngiti. Kumindat din ito kaya talagang hindi ko na nagustuhan ang mga galaw niya.


He is really annoying! I don't know but I am not really comfortable on his presence at ngayon pa kaya na pinili niya ang maupo sa aking tabi.


"Ayos lang naman sayo, hindi ba Cassiopeia?" Hindi nawala ang kaniyang mga ngiti na sa tingin ko ay ginagamit niyang pang-aasar kay Lance. Nakumpirma ko pa iyon ng tumingala ito kay Lance na nakatayo sa aking tabi.


"Lawrence, Lance! Stop it. May bisita tayo." Sermon ng matandang lalaki sa dalawa. Sa boses pa lang nito, ramdam ko na ang autoridad.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon