Chapter 11

15.9K 416 11
                                    

Hellcome Party


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Not everything are yours, Lance. It's not because you own this Academy, you own everything inside of it." He stared at Lance intently.


Kahit papaano ay may mga bagay pa namang napo-proseso ang utak ko at malinaw sakin na hindi sila okay sa isa't-isa. Sa paraan palang ng mga titigan ay alam ko na kung gaano ang galit na meron sila.


"Maybe not, but I am warning you Craig! Don't you fucking dare mess with her again."


Tumawa si Timothy at hindi makapaniwala ang mga tingin bago ito napunta sa akin. Hindi pa rin ako natitinag at nakatago pa rin sa likuran ni Lance pero malinaw ko syang nakikita sa lugar nya ngayon. His blue eyes are like eagle. Hunting, looking for its prey. And Lance in front of me was like a big wall. Protecting me from any danger coming from him.


"Do you think I'm scared?" He mockingly asked.


Gusto ko na sanang mangialam at pumagitna sa pagtatalo nila, ngunit nandon ang pag-aalinlangan. Tila ba may nagsasabi sa akin na hindi ito ang tamang gawin sa pagkakataong ito dahil para silang mga mababangis na hayop na handang patayin ang isa't-isa. Isang maling galaw at magsisimulang lumaki ang apoy na nagsisimula sa pagitan ng mga ito.


"Like what I've said, she's not your property, Dela Cruz!" Naramdaman kong susugod muli si Lance pero mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak dito.


Ang magkahawak naming mga kamay ang nagsilbing tali sa isa't-isa para hindi siya makaalis at makapanakit. Bahagya ko itong hinila palapit sa akin.


"I said stop!" Utos ko.


Nang huminto siya, nandon ang pagkamangha sa akin. Hindi ko akalain na susunod siya sa simpleng sinabi ko. Akala ko magtatalo pa kami. Naramdaman kong nagpadala siya ng hilahin ko ang kaniyang kamay pabalik at palapit sa akin habang napapabuntong-hininga. Ngunit kahit na ganun, nakikita ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata habang titig na titig kay Timothy matapos ilipat sa akin.


Nang magtama ang aming paningin, kakaiba na naman ang naramdaman ko. The familiar feeling hits me again. Everytime he looks at me in the eye, he's giving me this familiar feeling that also feels foreign at the same time.


"Tama na 'yan Lance! Tumigil na kayo." I tried to pull myself together and then I glanced at Timothy.


I don't know their issues. I don't care about their problems on each other. Wala akong pakialam kung patayin man nila ang isa't-isa ang tanging concern ko lang, ayokong masaksihan ang mga iyon sa harapan ko. Ayokong makakita ng mga bagay na hindi magandang panoorin. Kung anong balak nila sa isa't-isa, pwede nilang gawin pero siguro sa oras na wala na ako rito.


Slit each other throat? I don't care.


Break each other's nose? Then go.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now