Chapter 9

16.6K 463 27
                                    

Tattoo

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Aaminin ko kinakabahan na talaga ako at natatakot na baka anumang oras sabihin niya sa mga lalaking humahabol sa'kin na nandito ako sa loob. Sigurado, hindi ako pakakawalan ng mga 'yon hangga't hindi sila nakakaganti para sa kaibigan. Kaya naman hindi pwede! Kailangan kong makaisip ng paraan bago paman niya ako ipagkanulo. Kailangan kong makaisip kung paano makakatakas sa mga hayop na lalaking nasa labas.


Pero kanina, ng marinig niya ang pakiusap ko nakita kong unti-unting nawala ang dilim sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, pero sana pakinggan niya ako. Hindi ako sanay na makiusap pero sa puntong ito wala akong pagpipilian. Mahigpit sampu ang mga lalaking humahabol sa akin.


Ngunit dahil sa unti-unti niyang paglapit hindi ko na malaman kung saan ba ako mas natatakot, sa mga lalaki sa labas o sa lalaking nasa harapan ko ngayon?


Napapikit ako ng hindi siya tumigil sa paglapit. Hinintay ko ang mga susunod na mangyayari pero ng muli kong imulat ang aking mga mata unti-unti akong nakahinga ng maluwag ng makita ko na kinuha lang pala niya ang towel na nakasabit sa gilid at itinakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nakakahiya! Doon lang ako nakabalik sa realidad at naalala na nakahubad nga pala siya.


Ano ba Cassiopeia! Napakaraming pwedeng kalimutan bakit iyon pa?


But I swear wala talaga akong nakita.


Oo I didn't see anything! At iyan ang ipaglalaban ko hanggang dulo na wala talaga!


"Come on girl! Come out now!" Napalundag ako ng marinig kong muli ang sigaw ng lalaking mukhang desididong makuha ako.


Pero ang higit kong hindi inaasahan ay ang biglang paghila sakin ni Lance mula sa aking bewang at binuksan ang pinto matapos akong dalhin sa kaniyang likuran. Ngunit ang kamay nito, hindi pa rin nawala sa pagkakahawak sa akin.


Ngayon wala na akong magagawa, nasa harapan ko na ang mga halimaw na humahabol sakin kanina para iganti ang kanilang kaibigan. Pero gayunpaman kailangan ko pa rin maka-isip ng paraan at makaalis dito. Mukhang hindi siya nadala sa pakiusap ko kaya bumwelo ako at naghanda sa pagtakas pero natigilan akong muli ng bigla siyang magsalita. Gamit ang matigas at baritonong boses.


"Anong kailangan niyo?"


Walang emosyon ngunit nandon ang diin ng tanungin niya ang nasa mahigit sampung lalaki sa aming harapan. Ang ilan sa kanila bahagyang napa-atras at hindi kaagad nakasagot ng titigan nito.


Mukhang hindi nila akalain na itong lalaking ito ang kasama ko sa likod ng pintong 'yon. Hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan niyang hawak sa kanila pero kitang-kita ko ang takot sa mga mata ng lalaki.


"Tinatanong ko kayo! Anong kailangan niyo?" Pag uulit ni Lance sa malamig at matigas na boses, habang kababakasan ng matinding takot ang mga nasa harapan.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon