Chapter 3

18.5K 588 14
                                    

Initials

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Cassiopeia ano ba! Tama na! Itigil mo na 'yan!" Isang kamay ang humila sa'kin mula sa likuran. Pilit akong inilayo sa babeng hawak hawak ko.


I am not yet done with her face, I'll make it bleed to death. And I swear that to all the demons inside this place. Nagsisimula palang ako. Hindi pa nag-iinit ang kamao ko. Ganito ang gusto nila hindi ba? Ang maglaro? At kung ganito nila salubungin ang mga bagong estudyante, nagkakamali sila sa kung anuman ang inaasahan nila mula sa'kin. Hindi ako mag-papaapi sa mga demonyo ng impyernong ito.


Maging ang mga kasama niya'y wala akong pinili, wala akong pinatawad. Ang iba sa mga ito'y mabilis na nakatakbo palayo at tanging ang babaeng ito na nahila ko ang mahabang buhok bago siya tuluyang makalayo ang natira.


Ngunit hindi pa ako kontento sa nakikitang dugo sa mukha niya ng hilahin na ako ni Amber mula sa aking kaliwang braso.


"Fuck! I said, mind your fucking own business!" Itinulak ko siya palayo.


Tumilapon ito at paupong bumagsak sa sahig. Nabitawan ko ang babaeng pinauulanan ko ng suntok kanina kaya't bumagsak ito sa sahig na halos mawalan na ng malay.


"Pakialamera!" Singhal ko kay Amber. Pareho sila ni Barbie. Walang magawa kung hindi ang makialam. Kanina pa sila.


I don't like people blocking my way! Lalong lalo na kung hindi ko naman binibigyan ng permiso.


"You bitch! Sa'yo na nga concern 'yong tao ikaw pa itong mayabang? Bago ka lang dito para sabihin ko sayo kaya wag kang maangas!" Sigaw sakin ng isa sa mga kasama niya.


Dinaluhan nito si Amber na nasa sahig at tinulungang tumayo. Umamba rin itong lalapit at susugod sana sakin.


Ngayon, lalo akong nanginig sa galit. Sinabi ko ba sa kanila na maging concern? Sinabi ko bang tulungan nila ako? Sinabi ko ba na pumagitna sila? Wala akong sinasabi kaya wala silang karapatang sumbatan ako dahil sa simula palang wala akong hininging tulong sa kahit na sino! Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na kanino.


Sinalubong ko ang galit na mga mata ng babaeng sumigaw at umambang susugod ng pigilin ito ni Barbie.


"Kylie! Ano ba! Tama na." Sana hinayaan nalang niya para makita nila kung sino ang baguhang minamaliit nilang lahat. Hindi dahilan ang pagiging baguhan ko rito para iparanas nila ang ganitong karahasan.


"So anong gusto mong palabasin? Na dahil bago ako rito ay ganun ganun nalang 'yon? Magpapatalo nalang ako sa inyo ng ganun kadali? You don't know me, so better shut the fuck up!"

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now