Chapter 70

13.9K 293 40
                                    

Daemon's Academy


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View 


"It's so nice to have you back, Miss Kim." Masayang bati sa akin ng head ng faculty na siya ring bumati sa akin noon ng unang beses akong umapak sa Academy na ito.


"Thank you, madame!" Magalang na sagot ko.


Hindi nawala ang mga ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, I still find it weird. The way she smiles pero ganun pa man, isinantabi ko ang iniisip.


"Uhm, I also want to ask po if we still need to stay here after class? I mean do we really need to use the dormitories? Pwede naman po ata kaming umuwi after class, hindi ba?" Tanong ko.


Dahil kung pwede sana, kahit hindi na siguro kami manatili rito para kung totoo man ang mga gulong nangyayari sa loob nitong Academy ay hindi na sila madamay pa.


"Why Miss Kim? Are you afraid?" Makahulugan niyang tanong habang nakangisi, now this is really weird.


"No! Of course not. W-why would I be afraid? May dapat po ba akong ikatakot?" Balik tanong ko naman habang tinitingnan at pinagmamasdan ang bawat galaw niya.


Pero bahagya lang siyang tumawa matapos sumandal sa kaniyang upuan.


"Ang totoo niyan, Miss Kim nakakarating sa akin ang balita na may namamatay raw dito. Those students, kung estudyante nga ba silang matatawag ng Daemon's Academy ay may mga sariling kwento."


Agad na nanliit ang mga mata ko sa sinasabi niya.


"And this Academy is out of it. Hindi related ang Academy sa kanila. Pinasok nila ang school at nilabag ang rules kaya wala akong magagawa roon. Kung mga official students lang sana sila ng Daemon's Academy ay makukuha nila ang proteksyon na pwede naming ibigay pero hindi. And that will explain why we are innocent."


What the hell? So she knew this all along? At anong sinasabi niyang innocent? She's saying that they are innocent? Damn it!


But from what she said, ibig sabihin ay kilala niya ang mga taong iyon? She said that they are not from Daemon's Academy. Paano niya nalaman at paano niya nakilala ang mga iyon?


"If I were you, I'll stay away from it. All you need is to finish your remaining year here in college. Doon ka na lang mag-focus." 


Lalo pang nanliit ang mga mata ko pero hindi na ako sumagot. Tumango na lamang ako bilang pag-sang ayon kahit na hindi ako sang ayon sa kung anong sinasabi niya.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now