Chapter 24

14K 371 6
                                    

Dark Forest


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Anong kailangan nyo?" 


Sinunod ko ang sinabi nila na umalis na muna roon dahil nagkakagulo pa pero hindi ko alam na susundan pa nila ako. Narinig ko rin na paparating na raw ang mga Academy guards kaya may pipigil na sa kanila. But right now I need to talk to kuya. Anong ginagawa ng mga kaibigan nya dito and the worst part is, anong ginagawa ni Dos dito?


"Sino 'yon Cassie? Sino iyong lalaking yumakap sayo kanina? Ang gwapo niya kaya! Boyfriend mo ba? Huh? Boyfriend mo? Huwag mong ikakaila nakita ka namin kanina, ayiee! Kinikilig ako sa inyo kanina!" Kinikilig na tanong ni Yen habang todo ang mga ngiti habang panay pa ang sundot sa aking tagiliran.


Lalong kung binilisan ang paglalakad. I need to go to my room. I need to speak with kuya. Hindi pwedeng dito dahil ayaw ko na may makarinig sa kanila. I don't know if kilala nila ang Kim brothers at kung nakarating na sa kanila ang balita noong pumunta sila kuya dito but as much as possible, I don't want to tell everyone how am I related to them.


"Kung wala kayong kailangan umalis na kayo, pwede ba? Magpapahinga na lang ako." Nakarating ako sa kwarto ko at isasara ko na sana ang pinto ng pinigilan niya ito. Sumisilip ang ulo sa loob kaya lalong kumunot ang aking noo.


"Dito na lang din muna siguro kami. Mukhang canceled ang mga klase dahil sa gulong ginawa nila kanina. Nabalitaan ko pinatawag na rin daw ang mga iyon ng head ng faculty eh." Sabi ni Yen habang tuloy-tuloy ang pasok sa aking kwarto ng hindi man lang nagtatanong kung papayag ba ako. At sino sila para magdesisyon ng hindi man lang ako kinukonsulta?


"Cancelled? Bakit naman? Wala namang masyadong nangyari! Ang sabihin niyo tinatamad lang kayo!"


"Well, you can say that, Cass." Sagot ni Barbie atsaka pumasok na rin habang nakasunod na ang iba.


"Aba! Sandali lang! Hoy—


Shit! And how will I talk to kuya Aidan kung narito sila? What now?


"Dito muna kami Cassie." Si Amber atsaka sumunod kina Yen at Barbie papasok. Tumuloy ito papunta sa maliit na kusina nang walang lingon-lingon.


Damn it!


"Magpapahinga ako, kaya pwede ba? Kung pwede lang naman, kung pwede lang talaga! Kung hindi nakakahiya sa inyo!"  Sana alam nila ang ibig sabihin ng sarcasm. Lalo na ngayon at iritado na talaga ako.


Sumasakit ang ulo ko. I really need a privacy especially at this rate. I need to clear things with kuya. I understand the fact that some of Zeus' members are here dahil nasabi na ni kuya kagabi but how come Sebastian is here? What the hell Dos is doing here?

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now