Chapter 16

13.3K 378 10
                                    

Pictures



~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Sasama ka pa ba sa labas o dito ka na lang muna?" Tanong sa'kin ni kuya Aidan na mabilis ko namang sinagot ng pag-iling.


"No, I'll stay here." Hindi naman ako kasali sa larong ito.


Ayoko na maging agaw eksena. Alam ko na ayaw pa nila akong isama rito dahil sa nangyari pero nagpumilit ako. Sabi ng doctor kanina kailangan kong magpahinga matapos kong pansamantalang mawalan ng malay dahil sa sobrang pagsakit ng ulo ko. Mabuti na lang at napilit ko sila kuya.


"Hindi ba gusto mo makita ang Athena?" Tanong ni kuya Ryle habang pinagmamasdan ang unti-unting pagdami ng mga tao sa labas. Hindi nila napansin ang pagbabago ng ekspresyon ko dahil naging abala sila sa pagsuri sa buong paligid. Napakaraming tao at sobrang ingay na ng buong lugar. Tiningnan ko siya mula sa salamin at katulad ko, ang pagkamangha sa buong paligid ay nasa kaniyang mga mata rin.


The last time I remember this place, walang tao. Tahimik at tila ba isang abandonadong lugar lang. Pero ngayon? Napakarami ng tao na halos hindi ko makilala. Lahat bago sa aking paningin.


"Bakit? Andyan na ba sila?" Tumingin din siya sa aking repleksyon mula sa salamin, bago sila sabay-sabay na tumingin sa labas habang tila may hinahanap ang mga mata.


Ginaya ko ang mga ito. Inalala ko sa aking utak ang mukha ng mga babaeng ipinakilala nila sa akin kanina at hinanahap ito mula sa dagat ng tao sa labas. Napakarami kaya medyo mahirap makita kung sino ba sa kanila.


"Tingin ko wala pa sila." Si kuya Kyle ang sumagot.


"Kian, Sino ba ang siguradong sasali ngayon?" Tanong ni kuya Aidan na kumuha sa atensyon ng lahat.


Isa pa iyon. Kanina ko pa iniisip kung sino-sino ba ang kasali sa Death Race na ito. Ang sabi nila maraming nadagdag na mga bagong grupo. May mga dumating na wala naman noon. Mga bagong mukha at myembro.


Hinintay ko rin ang sagot ni kuya nang naging abala ito sa kaniyang laptop na nakapatong sa kaniyang mga hita. Nagtipa ng ilan na tila may hinahanap. At nang matapos ay 'tsaka namin narinig ang boses nito.


"Marami-rami ngayon kuya." Sagot nito habang patuloy pa rin sa pagtipa at abala sa kanyang laptop. Hindi inalis ang mga mata doon habang binabasa ang mga pangalang hindi pamilyar sa akin ang iba.


"Athena, Black Monarchy, Kings, Black Phoenix, Devil's' Eye, Death Penalty, Poseidon, Hades at tayo ang Zeus." When he said 'marami' I didn't expect this.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now