Chapter 53

10K 278 7
                                    

Failed


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


After everything that happens, akala ko pwede na ako ulit magtiwala. Pagkatapos ng ginawa sa akin ng mga kapatid ko, kasama ang buong Zeus. I was expecting that I can trust him, that I can trust Lance. Ni hindi sumagi sa isip ko na maaari niya akong lokohin at paikutin katulad ng ginawa sakin ng mga kapatid ko. I trust him with all my heart, kaya doble ang sakit sa akin knowing that he will betray me like this.


I understand if they will accuse me like what they did to my mother. Maiintindihan ko ang magiging galit nila sa akin dahil katulad ko, nawalan din sila ng nanay pero ang hindi ko matanggap ay kung paano niya nagawa na kunin ang tiwala ko, hayaan akong mahulog, ibigay sa kaniya ang lahat. Tapos sa huli malalaman ko na hindi totoo ang lahat ng ipinakita niya. Malalaman ko na para lang pala ito sa plano nila? Sa plano nilang magkakapatid?


Nahampas ko ang manibela matapos kong apakan ang gas. I was now driving alone on this long, dark road, within a 120 km/h. Mas binilisan ko pa, I don't care about anything at all. Ang tanging nasa utak ko na lang ay makalayo sa mansyon ng mga Dela Cruz, ang makalayo kay Lance.


I am not thinking about the consequences of my actions anymore, all I can think is how stupid I am to let someone manipulate me, again. On how stupid I am that I let him played with me since day one.


Ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, mga panahon na pinalalayo siya sa akin ng mga kapatid ko until the day that he almost die on the hands of my brothers, is it still part of his goddamn game?


Fuck you, Lance!


Fuck you, Dela Cruz


Pinahid ko ang luha sa mga mata dahil sa masyado kong okupado na utak ay hindi ko napansin na kanina pa pala basa ang mga pisngi ko at halos manlabo na ng husto ang aking paningin.


Malalim na ang gabi, hindi ko na alam kung anong oras na. Ang tanging alam ko na lang ay tinatahak ko mag-isa ang mahaba at madilim na daan patungo sa kung saan. Mas lalo ko pang binilisan hanggang sa hindi ko na halos masundan ang mga sumunod na pangyayari. Natauhan na lang ako ng nasa harap na ako ng malaking gate ng aming mansyon.


Nang makilala ako ng mga bantay ay kaagad nila akong pinapasok. Wala akong binati na kahit na sino. Matapos kong itigil ang sasakyan sa harapan ng malaking bukana ng aming mansyon ay agad akong lumabas. Siguro ay madaling araw na, hindi ako sigurado kaya nagulat ako ng bigla akong salubungin ni kuya Ryle pagpasok ko pa lang sa pinto.


"Where have you been? Hindi mo ba alam na nag-alala kami sayo?" Sinubukan niya akong harangin pero nilagpasan ko siya.


"Kanina ka pa namin hinahanap! Kasama mo na naman ba ang gagong Lance na 'yon? Ha? Ilang beses ka ba naming kailangang pagsabihan, Cassiopeia? Gulo lang ang dala sayo ng Dela Cruz na iyan! Hindi kayo pwedeng magsama! Hiwalayan mo—


"Shut up kuya! And don't act as if you are worried about me! After everything you did, don't expect me to believe again whatever will come out of your mouth!" Putol ko sa mga sinasabi niya.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Место, где живут истории. Откройте их для себя