Chapter 45

10.5K 282 2
                                    

Boyfriend


~~~🌸~~~


Dorothy's Point of View


"Akala ko ba nasa 6th floor sila? Eh bakit andito lang pala sa first floor? Niloloko lang ba tayo noong babaeng kanina?" Nanggigigil kong tanong sa mga kasama ko ng makita ko ang mga nagkukumpulang tao dito sa Circle.


Nagpalinga-linga ako. Baka sakaling makita ko si Cassiopeia sa paligid. She's not on the clinic anymore. Hindi namin alam ang nangyari dahil hindi naman kami umalis sa tapat ng clinic kanina unless, umalis siya at hindi namin namalayan dahil busy kami sa babae kanina asking things about these gangsters.


Pero hindi siya pwedeng mawala. Knowing her condition right now? This is not right!


Halos masuyod ko na ang buong lugar pero wala talagang bakas nya sa paligid. Sigurado ring walang nagbabantay sa kaniya ngayon dahil nandito ang buong pwersa ng Hades at Zeus. Ibig sabihin ay mag-isa siya. And about her conditions, the doctor also says na mabuting iuwi muna si Cassiopeia sa kanila habang nagpapagaling. Tama ang doctor, mas mahirap para kay Cassie ang ganito. Roaming around with her memories still not intact.


"S-sandali... Hindi b-ba't—


Halos mamutla ang mukha ni Barbie habang nakatingin sa mga taong paparating. Pati ako ay agad na napalinga sa kaniyang tinitingnan. Unti-unting nahawi ang mga tao sa gitna na waring binibigyan ng daan ang grupong naglalakad papalapit. At doon din ako napatitig sa mga ito.
Tiningnan ko sila isa-isa. Tama nga si Amber, mukhang kumpleto na nga silang lahat. Ang buong pwersa ng Hades. At kailan pa ito?


Napalingon ako kay Kai at sa dalawa pang bagong mukha.


Psh! Kahit kailan talaga gustong-gusto ng lalaking yan ng grand entrance. Si Kai, ang isa sa pinakamahangin sa buong Hades. Until now I still can't imagine kung paano siya napunta sa grupo nina Lance. Lance is a good man. Kahit na nakakatakot siya, I know that he's kind and gentleman in some ways. Kaya ang malaman na isa sa mga kaibigan niya ang ubod ng yabang na Kai na iyon? Hindi ko na lang alam kung paano ba ang nangyari.


Napailing na lang ako sa mga ito.

Napansin ko rin ang mga hawak nila. Isang baseball bat. Kai is a member of the school's varsity. And the reason why he's not here for a long time ay dahil sa dinaluhan nilang national competition. Kababalik lang nito kasama ang iba. But from the time that they are not around, medyo tahimik ang buong Academy.


 Karamihan sa mga kasama niya ay on their monster mode. Hindi ko alam kung ano ang dapat naming gawin. Ang umawat sa kanila sa pagsisimula ng gulo o ang hanapin ang mala-Dora the explorer naming kaibigan na si Cassiopeia.


Kita ko na rin ang maiinit nitong tingin sa kabilang grupo. Kaya mabilis ding uminit ang buong paligid. Ngayon pakiramdam ko literal na kaming nasa impyerno. Maya-maya pa ay halos sabay sabay na napalingon ang mga tao sa mga sumunod na paparating.


Ang grupo naman ngayon ng Black Phoenix. Kitang kita ko na agad ang dilaw at mahabang buhok ni Timothy na dinadala-dala pa ng hangin na nagmistulang model ng isang shampoo commercial. Halos matampal ko ang aking noo sa panonood lang sa mga lalaking ito na halos sakupin ang buong hallway. Lintek! Ano bang tingin nila sa mga sarili nila? Model? Celebrity?

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now