Chapter 33

14.9K 447 13
                                    

Truth


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


The happiness in me right now is overflowing. Halos hindi ko na makontrol ang sobrang kasiyahan sa akin ngayon, halos hindi na rin mawala ang mga ngiti sa aking mga labi. All I want right now is to stare at Lance's face the whole day and memorize every part of his almost perfect feature.


I can't believe it. Time is running so fast that I am now seeing myself standing in this situation without any hesitation. I can also smile genuinely without overthinking. But some good times really have its ending. There are no exception. At iyon ang naramdaman ko matapos makatanggap ng tawag mula kay kuya Kian at pinapatawag ako.


Bigla na lamang akong nakaramdam ng kung ano. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. The news spread so fast that some students already know something about us. About me and Lance. Napakabilis. Kanina lamang kami nagkaayos ni Lance at ganito na kaagad. Hindi naman sa hindi ko iyon gusto. Hindi lang ako naging handa. Isa pa narito sila kuya at ang buong Zeus, maliban kay kuya Aidan pero kahit na ganun hindi pa rin ako komportable. Hindi ko alam kung magugustuhan nila ang balita.


"Kuya?" Bungad ko ng makapasok sa loob ng kanilang tambayan.


Walang tao sa maliit na sala ng lugar maliban sa kanya. Pero may naririnig akong ingay mula sa kabilang kwarto. Boses ng ilang miyembro ng Zeus. Habang umiikot ang aking paningin sa buong lugar ay namamangha ako ng husto sa kanila. Kabago-bago pa lamang nila pero nakahanap na agad ng lungga rito sa 6th floor.


"Here!"


Inabot niya sakin ang isang itim na papel. Napatingin ako rito. Kunot-noo ko itong kinuha, habang nagtatakang napapatingin pa rin sa kanya. Ngunit ang lahat ng mga tanong sa akin ay nasagot matapos kong makita ang nakalagay sa loob ng papel na ibinigay niya.


Sa itim na papel, gamit ang kulay pulang tinta na tila ba dugo ay binasa ko ang nakasulat...


* Welcome to the Race of Death *

• Hades

• Zeus

• Poseidon

• Dark Monarchy

• Athena

• Black Phoenix

• Devil's Eye

• Death Penalty

• Artemis

Spread Blood! Spread Happiness!


Alam ko na ito. And I can't believe that they made an invitation this fast.


"Bakit kuya? May problema ba tayo rito?" Tanong ko habang inaayos at ibinabalik sa pagkakatupi ang papel na ipinakita niya.


Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now