Chapter 62

9.7K 264 4
                                    

Back

~~~🌸~~~


Eya's Point of View



"Fuck!" Malulutong na mura ang pinakawalan ko ng isang basag na bote ang tumama sa hita ko at lumikha ng isang mahabang hiwa.


What the hell? I am wearing a shorts for pete's sake!


Nakita ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo mula rito kaya lalong uminit ang ulo ko. Damn! Sino ang hayop na may gawa nito?


Dahil sa nangyayaring gulo hindi ko na alam kung sino ba ang may lakas ng loob na bumato sa akin ng isang basag na bote. Fuck! Mabilis akong tumingin sa paligid at hinanap ang may gawa noon ng makita ko si Barbie na tumatawa sa isang gilid habang nanonood sa paligid na puno na ngayon ng nagkakagulo.


"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Ha! May nakakatawa ba?" Nagtangis ang bagang ko. This is not funny. I don't find it so funny at all kaya ayusin niya!


"Nakakatawa e, bakit ba?" Lalo pang lumakas ang tawa niya kaya lalo akong nanginig sa galit.


"Tayo na! Hayaan mo na mga 'yan. Wag ka kasi makisali." Aya niya sa akin bago naunang maglakad paalis.


Makisali? Sino ba ang may sabi na sumasali ako? Naipit lang kami sa gulo dahil dito nila pinili sa tapat namin. It was as if I will put myself this low para makisali sa mga street gangsters na ito. No way!


We've been peacefully watching some groups na nag-eensayo for the upcoming D.R ng bigla na lang may magkagulo. Hindi kami kaagad nakaalis dahil nasa malapit sila sa amin at marami sila. At kahit sabihin ko na wala akong pakialam sa mga siraulong ito, it doesn't change the fact na isa sa kanila ay sinugatan ako.


Kaya bago ako sumunod kay Barbie, hinanap ko muna ang bumato sa parte ko noong bote. Hindi naman ako nahirapan dahil namukhaan ko ito kaagad kanina. Nilapitan ko ito, at walang dalawang pag-iisip ay sinapak ko ito sa mukha.


Asshole!


Anong akala niya ganun na lang iyon? Alam ko na sinadya niya iyon. Hindi lang iyon isa, dahil ilang basag na bote na ang tumilapon malapit sa amin ni Barbie. Nailagan ko lang ang ilan sa mga ito kanina, at tanging iyong isa kanina ang hindi ko lang naiwasan.


Nanginginig ako sa galit. At kung mag-iiwan ng marka ang sugat na ginawa niya sa hita ko, babalikan ko siya at tuluyang babasagin ang mukha niya kaya maghintay siya!


Ang totoo ay hindi pa ako kuntento sa ginawa ko sa kaniya. Gusto ko pa sanang makipaglaro sa mga ito pero medyo malalim ang naging sugat ko sa hita at kailangan ko ng gamutin bago pa lumala at tumagal ang iiwang bakas.


Mahina naman iyong lalaki, dahil matapos ko itong sapakin ay hindi na ito nakabangon kaya tumalikod na ako. Babalikan ko na lang siya sa oras na maging malala ang iniwan niyang bakas sa hita ko.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now