Chapter 54

9.6K 270 2
                                    

Key

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Hmmm?!" I tried to open my eyes.


Hindi naging ganun kadali dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng mga natukap ng aking mga mata. Naramdaman ko rin ang sakit sa buong katawan ko at hindi ko alam kung saan bang parte nagmumula ang lahat.


Sinubukan kong igala ang aking mga mata pero hindi naging ganun kadali dahil hindi kaagad makapag adjust sa dilim ang aking paningin. Ilang sandali pa ang kinailangan ko bago ko tuluyang mapuna ang madilim na silid.


Napakadilim ng buong paligid. May kaonting liwanag pero hindi ako sigurado kung saan ba iyon nanggagaling. Napakatahimik din na halos ikabingi iyon ng aking tenga. Asan ba ako? I tried to move at doon ko lang napagtanto at naramdamang nakatali ang mga kamay ko mula sa itaas. I tried to pulled it down pero napakahigpit nito. Damn it!


Where am I? What happened?


Ngunit dahil sa sobrang dilim, hindi ko alam kung saan ba ako nakatali. Hindi ko rin lubos na makita ang lugar kung nasan ako ngayon. May konting liwanag na nasa harapan ko pero hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng isang panaginip, namamalikmata o sadyang hindi pa gumagana ng maayos ang utak ko para hindi lubos na maunawaan ang kalagayan ko ngayon.


Ang tanging kaya ko lang masundan ngayon ay ang katotohanan na nakatali ang mga kamay ko mula sa itaas. Nangingimi na rin ang mga braso ko. Onti-onti na itong namamanhid at ang mga binti ko, konti na lang at tuluyan ko na itong hindi mararamdaman. Masyado na akong nanghihina.


I tried to move again. Paulit-ulit at doon ko nakompirma na nakatali nga pati ang mga paa ko. Mahigpit kaya ramdam ko na ang hapdi mula sa mga ito.


Ilang oras na ba ako rito? Kailan pa ako rito at bakit sobra ng nangingimi na ang pakiramdam ko?


"Hmmmmmm?!!!!!" Sumigaw ako pero tanging mga ungol lamang ang lumabas sa aking bibig. Doon ko naramdaman ang tali maging sa aking bibig na pumipigil sa akin na gumawa ng malakas na ingay.


What the fuck is this?


"Hmmmmmmm??!!!!!" Pilit kong inilakas ang mga sigaw pero walang pagbabago.


Nasaan ako? Anong ginawa nila sa akin? Bago ako nawalan ng malay pilit kong inalala ang mga nangyari. Sa kwarto ko, sa mansyon.


There was a lot of people. Halos lahat sila ay mga nakaitim at may takip ang mga mukha na tila takot na mga makilala pero ang isa sa kanila na tila umaakto bilang pinuno ay pamilyar sa akin.


Siya ang parehong lalaki na nagpadukot sa akin noon at nag-intay sa pagdating ni Lance na hindi nangyari. Hindi ako maaaring magkamali! Siya nga ang lalaking iyon at wala paman kompirmasyon pero sa tingin ko ay kapatid siya ni Rhian.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora