Chapter 27

14.2K 379 10
                                    

Magnet


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Anong tinitingin-tingin mo?" Mataray na tanong ni Eya kay Barbie habang malditang nakataas ang isang kilay. Pinagmasdan ko lang sila habang napapailing.


Alam ko na hindi magandang ideya na pinatulan ko sila kanina kaya kami humantong sa ganito. Sadyang may mga bagay lang talaga na mahirap palagpasin. Lalo na't wala sa lugar ang ugali. Kaya naman kahit na ayaw ko rin, hindi na ako nakapagpigil.


"Eh ikaw? Bakit ganiyan ka makatingin? May problema ka ba? Kulang pa ba 'yang pasa mo sa mukha? Gusto mo dagdagan ko?" Barbie answered while smirking na siyang ikinabilog ng mga mata ni Eya.


Nagtangis ang bagang nito at akmang susugod na mabilis namang napigil ni Shainna. Nahawakan nito ang kaibigan sa kaliwang braso kaya't napanatili sa lugar nito.


"Barbie please!" Ako na ang sumaway rito, "Manahimik na kayo. Hindi kayo matatapos d'yan sa mga ginagawa niyo kung patuloy kayong magtatalo." We have things to do. At hindi magiging sagot ang mga pagtatalo nila para matapos ang mga ito.


Tumahimik naman si Barbie at nakinig sa sinabi ko. Nilingon ko ang lugar ni Eya pero isang masamang titig lang ang nakuha ko rito. Inirapan pa ako bago padabog na tumalikod.


Napabuga ako ng hangin bago muling nagpatuloy sa ginagawa. Mukhang wala na talaga akong magagawa sa mga ugali nila.


Araw ngayon ng huwebes at hallway ang kailangan naming linisin nang sama sama dahil sa napakalawak at napakahaba nito. At kailangan namin itong matapos bago paman lumabas ang mga nilalang na hinugot mula pa sa kailaliman ng impyerno. Kaya sa bawat pagsisimula nila ng gulo ako na ang pumipigil. Dahil sa oras na maabutan kami ng mga lalaking iyon, lalo kaming mahihirapan. This is the black building. We need to be careful.


Ngayon din ang P.E class nila so technically nasa gym ang halos lahat. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit napakatahimik ng buong hallway ngayon at medyo nagiging mabilis ang ginagawa naming paglilinis, dahil wala ni-isang halimaw na napadpad sa buong lugar.


"Ano ba! Lumayo ka nga sakin, huwag mo akong lapitan!" Mula sa kabilang bahagi ng mahabang corridor kung asan ako ay narinig ko ang boses ni Crizel.


Natigil ako sa pagma-mop ng sahig at napatingin sa dalawang mukhang nagtatalo na naman.


"Aba't siraulo ka pala eh! At sino namang may sabi na gusto kong mapalapit sayo? Hoy babaeng may pulang buhok na akala mo nireregla ang ulo! Wag kang assuming! Gusto mo ipakain ko sa'yo itong dust pan na hawak ko? Ha!? Magsabi ka lang, hindi ako magdadalawang isip!" Umamba si Faye na ihahampas kay Crizel ang hawak niyang dust pan kaya't patakbo na akong lumapit sa mga ito.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now