Chapter 29

13K 404 19
                                    

Trono


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Itali niyo yan! Muling utos ng lalaking umaakto bilang pinuno nilang lahat matapos ibaba at patayin ang hawak niyang cellphone.


Sino ba sila? Bakit ako nadamay rito eh hindi ko naman sila kilala? Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko na si Lance lang naman ang kailangan nila kaya bakit pati ako nadamay?


Nang tangkain akong lapitan ng isa ay mabilis akong kumilos para umatras. Ayokong madikitan ng kahit na sino, nang kahit na sino sa kanila! Ngunit masyado na akong nanghihina at nanginginig. Halos lumuwa na ang kasuotan ko sa loob at halos makita na nila iyon kaya't hindi ko na malaman kung paano pa tatakpan ang sarili.


Gaano na ba ako katagal na narito? Wala pa bang nakakaalam na nawawala ako? Wala bang darating para tulungan ako?


Kuya! Ngayon ko kayo kailangan! Asan ba kayo?


"Suotin mo!" Naghagis sa akin yong lalaki ng isang kulay itim na jacket. Hindi naman ako nag-atubili pa. Dagli ko itong isinuot para matakpan ang hubad kong katawan. Nanginginig pa ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa matinding lamig.


Asan ba kami?


Muli kong dinungaw iyong lalaki na nanatiling nakatayo sa aking harapan. Tinititigan niya ako na tila ba napakarami niyang tanong habang ako naman ay halos patayin na siya sa napakalalim na titig. Sa oras na makawala ako rito ay hindi ako makakapayag na hindi makaganti. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang ito. Humanda sila!


"Sino ka ba talaga?" Anito habang titig na titig sa aking mukha.


Nagtangis ang bagang ko. Hindi pala nila ako kilala pero heto at dinadamay nila ako sa mga kalokohan nila? Tanga ba siya?


Lalong tumalim ang mga titig ko sa kaniya. Lalong nagbaga ang galit sa akin. At ngayon palang naka-organisa na sa utak ko ang mga paraan kung paano ko siya papatayin. Kung paano ko silang lahat papatayin! Lahat sila!


"You're really something, huh?" Natawa naman ako ng mahina atsaka napayuko. Isa nga talaga silang mga taong walang utak. Saan ba gawa ang mga utak nila at mukhang walang laman?


Nang muli kong iangat ang ulo ko ay muli ko siyang tinitigan. Ngunit ngayon ay hindi ko na mapigilan ang hindi mapangiti. Isa-isa ko silang pinagmasdan at wala akong ibang makita sa harapan ko kung hindi ang mga taong walang utak.


"Hindi niyo ako kilala pero ako ang narito? Sabihin niyo nga sa akin, paano ba gumana ang mga utak niyo kung sakaling meron man? Ha?" Lalong umangat ang isang sulok ng aking labi ng lalong magtangis ang bagang noong lalaki. Tumalim ang mga titig niya sa akin at halos hindi ko na maunawaan ang itsura niya.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now