Chapter 50

10.3K 293 6
                                    

Enchantment


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View



Agad na nagtangis ang mga bagang ko dahil sa sinabi niya. Nanliit din ang mga mata ko.


Step down? He will step down at ano? Plando na niya agad ang lahat?


Hindi ako makakapayag sa gusto niyang mangyari. Siya na naman ang magsasakripisyo sa aming dalawa? Tapos ano? Wala na naman akong gagawin?


Hindi ako makakapayag! Palaging ganito ang ginagawa niya. Alam ko na ginagawa niya ito para sa aming dalawa pero hindi ko na kaya na makita na palaging siya na lang ang nasasaktan at nag sasakripisyo na dapat ay dalawa kami. Kami ang involve sa relasyong ito, kaya sa mga problemang darating ay dapat na magkasama rin kami.


Mabilis akong umiling, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo Lance na hindi na ako papayag na ikaw na lang palagi ang magsasakripisyo sa relasyon nating ito? I also wanted to share my part!"


I love him, I love him so much and this time, hindi na ako papayag na makita siyang nahihirapan katulad ng kung ano ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi na niya kailangang mag-isang solusyunan ang mga problema naming dalawa. Handa na akong maging parte ng lahat ng iyon ngayon.


"You always do this alone. Ano pang magiging silbi ko kung hindi mo ako makakasama na solusyunan ang mga nangyayari?"


Lumapit siya sa akin pero hindi ako natigil sa pag-iling. Gusto na marealize niya na may magagawa rin ako para sa aming dalawa. At kung tutuusin, napakaliit na bagay lang nito. Sana ay hayaan niya ako na this time, ako naman ang gagawa ng paraan.


"I love you Lance. But please this time, let me do something for you. Palagi na lang ikaw ang nahihirapan. Palagi na lang ikaw ang gumagawa ng paraan na dapat ay tayong dalawa." Agad na tumulo ang luha ko ng maaalala ko na naman ang mga sakripisyo niya noon.


He almost die, sa kamay pa lang ng mga kapatid ko. Halos ilang beses ata siyang nakipaglaban kay kamatayan dahil lang sa pagiging selfish ng mga kapatid ko. Hanggang sa muli kaming bumalik galing sa Korea. They robbed me all the possibilities to be with Lance and to get my life back. Kahit na hindi ako makaalala ay hindi pa rin nila tinigilan si Lance. I was living my life that time together with my friends habang sa kabilang parte, si Lance ay nahihirapan na gumawa ng paraan kahit na masilayan lang ako.


At ni minsan, hindi ko rin nagawang ipagtanggol siya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at makiusap lang sa mga kapatid ko. Pero ngayon, dahil alam ko na kaya ko na, na may magagawa na ako, gagawin ko na ang lahat ng kaya ko para ipagtanggol naman siya this time.


Hinaplos ni Lance ang pisngi ko at hinawi ang mga luha. Napakarahan ng kaniyang mga haplos na tila ba inaalis ang lahat ng alalahanin ko. Kanina na halos hindi na magkasya sa utak ko ang mga bagay, ngayon ay halos liparin na ito ng hangin palayo. Siya, at tanging siya na lang ang laman ng utak ko ngayon.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now