Chapter 26

13.9K 339 11
                                    

Weak


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Things are getting lighter now. Kahit papano nagiging magaan na sa pakiramdam ang mga araw para sa akin. Ang kasama sila? Kahit papaano nararamdaman ko na, na konti nalang at magiging maayos na ng tuluyan ang lahat.


Pero kahit na gano'n may mga pagkakataon pa rin na gusto kong mapag-isa. Panahong makapag-isip-isip at pagtugmain ang ilang bagay mula sa aking nakaraan. Baka sakaling bumalik na nga ang lahat.


Ngayon na mag-isa ako, marami na namang bagay ang gumugulo sa akin. Nasa gitna ako ng pagbabasa ng isa sa paborito kong libro. Wala sina Amber pati na ang iba. Magkaka-iba kami ng klase sa oras na ito habang ako ay bakante pa dahil masyado pang maaga para sa susunod na klase. Maaga natapos ang klase namin kay Mrs. Santiago kanina kaya sa huli, mag-isa ako.


Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa habang nasa lilim ng puno ng mahogany sa gilid ng malawak na soccer field sa tapat lamang ng Silver building nang bigla na lang may bumagsak sa harapan ko. Sumakto ito sa gitna ng binabasa ko na siyang halos ikalaki ng mga mata ko.


Ano ito?


Ilang segundo pa bago ako makabalik sa ulirat matapos ang pagkakagulat ng magsimula ng masunog ang kaonting parte ng libro ko. Mabilis akong kumilos para alisin ang upos ng sigarilyo sa aking libro.


Saan naman 'yon galing?


Sa galit at iritasyon, tumayo ako at tumingin sa paligid. Hinanap kung saan maaaring nanggaling ang bagay na iyon nang matanaw ko mula sa isang paikot na bench ang isang grupo ng mga babae.


Naninigarilyo ang iba sa kanila kaya biglang nagdilim ang paningin ko. Sigurado ako na sa kanila galing ang pisting bagay na tumama sa aklat ko.


Kinuha ko ang upos ng sigarilyo na nasa paanan ko at ibinato sa isa na nagsisindi ng panibago. Sabi nga, lintek lang ang walang ganti.


Tumama sa ulo noong babae kaya kumalat ang abo sa buhok nito. Nagulat siya, pati na ang kaniyang katabi.


"What the hell! What was that?" Tumingin siya sa paligid. Kinuha ang bagay na ibinato ko kasunod ay ang pagtatama ng mga mata namin.


Masama ang mga titig ko sa kanya kaya doon ata siya nagkaroon ng idea na ako ang may gawa noon. Well, wala naman akong balak itanggi.


Oo ako ang may gawa, ano naman ngayon? Anong akala niya? Ang matatakot ako sa mga titig niyang iyon? Tsk!


Kung sa mga malditang katulad lang niya siguro sa sobrang dami ng nakilala kong maldita sa Academy na ito, immune na ang katawan ko. Kaya hindi na ganun kahirap at bago sa akin ang makaharap ng panibago.


"You bitch! Ikaw ba bumato nito sa'kin?" The girl asked.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now