Chapter 20

14.9K 396 5
                                    

I like you


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Alam niyo na ba 'yong nangyari noong nakaraang gabi sa Death Race? Kilala niyo ba iyong huling representative ng Athena raw? Usap-usapan na kasi iyon sa buong Underground."


Pumasok ako ng elevator upang bumaba ng white building nang marinig ko ang pamilyar na bagay na pinag-uusapan ng mga kasabay ko. Nasa pinakalikod akong bahagi habang silang lahat na nasa harapan ko at iyon ang topic sa usapan.


"Walang nakakakilala sa kanya maliban sa mga miyembro ng Athena ano ka ba! Alam mo ba nabugbog pa nga noon sila Savannah eh. Kaya ang sabi-sabi pa hindi makakapasok ang mga iyon ngayon."


Savannah? Sounds familiar?


"Grabe ang galing niya talaga 'no? Lalapitan nga sana namin siya kasama ng mga kaibigan ko pero bigla na lang nawala eh. Walang nakaalam kung saan siya napunta."


Hindi ako gumawa ng anumang ingay. Ayoko na makuha pa ang atensyon nila. Mukhang abala naman sila sa mga pinag-uusapan. Kaya ng bumukas ang pinto hudyat na nakababa na kami ng gusali, hanggang sa paglabas ganoon pa rin ang usapan nila.


Nakasunod lang ako sa kanila dahil iisang direksyon lang naman ang pupuntahan namin. Pero hindi ko akalain na hanggang dito sa hallway lahat iyon ang usapan. Mukhang kilala pala talaga nila ang Underground. Ngayon hindi ko na kailangang magtaka kung bakit ang ilan sa Underground gangsters galing dito sa Academy.


"Kita niyo ba iyong mga moves niya? Alam niyo ba sabi pa ng marami para nilang nakikita si Queen Aphrodite habang pinapanood nila kung paano siya makipaglaban at makipag-gitgitan sa mga sasakyan. Sayang lang kasi hindi ko napanood" Sabi pa ng isa.


Kahit saang parte iyon ang nariring ko. Lahat kuryuso sa mga nangyari noong nakaraang gabi. I did what I had to do. kahit na gulong-gulo ako ng mga panahong iyon, kinailangan kong gawin dahil mga kasama ko nga sila. Konti pa at pakiramdam ko nalalapit na ako sa mga bagay sa nakaraan ko.


Although kuya Aidan did not approved on what I did pero nangyari na. Kaya kahit isang matinding sermon ang nakuha ko sa kanya pagkatapos ng D.R, wala rin siyang nagawa sa huli.


Now I really have to talk to Faye. I need her thoughts about this. I mean, kung anuman ang alam niya mula sa nakaraan ko. Naaalala ko na ang ilang bagay. Ang abandonadong gusali kung saan kami pumunta ni Alia dahil may nakapagsabi sa akin na kilala niya kung sino ang pumatay sa mommy ko. Makikipagkita ako sa kanya para malaman ang lahat. Pero iba ang natagpuan namin. Bihag ng mga taong hindi namin kilala ang halos lahat sa mga kaibigan namin. Hanggang sa nagising na lang kami sa isang madilim na silid.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now