Chapter 10

15K 472 5
                                    

Greek God


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Hindi ko alam kung paano siya sasagutin ng maayos dahil kahit ako ma'y hindi alam ang mga nangyayari. Hindi ko lubos maalala ang nasa likod ng markang meron ako pero base sa mga sinabi sakin nila kuya at kasama ng ilan sa natitirang mga ala-ala sakin, isa itong palatandaan. Isa itong marka at pagkakakilanlan. Meron ako ng markang ito katulad ng meron sa mga kaibigan ko.


At ngayon sa mga sinasabi ni Faye, naguluhan ako. I lost my memory. Many years ago I lost half of my life after I lost those memories. Many years had passed and I was not able to get them back, to put them together. Umaasa na lang ako sa mga bagay na nasabi ng mga kapatid ko tungkol sa nakaraan ko. Although I am still hoping to remember it all, pero hindi ko inaasahan na magmumula sa lugar na ito ang isang taong may kinalaman dito na maaaring may kinalaman din sa nakaraan ko.


Everyday, I am praying that my memories will come back kahit na... kahit na sabi nila kuya wala na ang mga taong kasama sa ala-alang iyon. Umaasa pa rin ako na kahit sa mga ala-ala ko, mabuhay sila.


Kaya naman ng maghalo-halo na sa utak ko, napailing ako.


"Hindi!" I even awkwardly laughed as if this is just a joke pero ang totoo'y sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.


"A-ano ka ba Faye. This simple tattoo doesn't mean anything. Hindi ba normal ang magpalagay ng tattoo?" I want to hear the things from her. Kahit na kinakabahan ako sa mga iniisip ko pa lang, alam ko na at the back of my head, I am wishing to hear that she know this.


Crossed fingers and I am hoping and praying...


Especially when Faye didn't blinked. She still has the same reaction like she knows everything behind this tattoo. Waiting for an answer, asking for an answer. Her eyes are telling me something. Her eyes are like begging, begging me to say the things I didn't know.


Ipinilig ko ang aking ulo para alisin ang mga bagay na iyon sa aking utak. Hindi! Hindi pwedeng may alam siya rito. Imposible! Ilang taon na ang nakakalipas. Oo at hindi ko maalala ang buong pangyayari pero isang bagay ang sigurado ko. Wala na sila. Wala na silang lahat. All I know is that, my friends know about this tattoo. But they are all gone... all gone!


"No Cassiopeia! I want you to explain this!" Ibinaba niya ang kanyang damit sa kaliwang balikat upang ipakita ang isang markang katulad ng kung ano ang nasa likod ng kanang balikat ko.


Halos lumuwa ang mga mata ko. Ang panga ko nalaglag habang gulong-gulo. Naapahawak ako sa ulo ko.


Hindi ko mapaniwalaan na ang markang meron ako sa likod ng aking kanang balikat ay siyang katulad ng kung ano naman ang meron siya sa harap ng kanyang kaliwang balikat.


Parehong-pareho, ang bawat parte, ang bawat guhit, ang bawat sulok, maging ang salitang nakasulat sa magkabilang gilid.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now