Chapter 36

13.8K 373 15
                                    

Game of Death


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"I'll join the Death Race not because I want to win... but because I want to protect you, Cassiopeia." Lance said then kissed my forehead.


Napangiti naman ako dahil doon. I can't believe na iyon lang ang dahilan na meron siya ngayon.


May grupo siya, nariyan ang Hades pero hindi niya iyon inisip at ako ang inuuna niya. Mahal ko siya, pero hindi ko magawang hindi maging malungkot para sa kaniyang grupo.


"But how about Hades? This is the second half of Death Race Lance, ngayon ka kailangan ng grupo mo." Nag-aalala kong tanong.


Alam ko kung gaano ito kahalaga para sa mga ka-group niya. I know Hades wants to win this game at alam kung malaking tulong para sa kanila si Lance. Mahalaga para sa aming lahat ang ganitong pagkakataon at laban. Walang sinuman ang hindi hinangad ang mapunta sa taas. Walang sinuman sa amin ang hindi hinangad na manalo at umangat sa lahat. Alam ko 'yon dahil kahit ako minsan na ring naramdaman 'yon.


Isa pa, nalaman ko rin na isa sa sinasabing rason kung bakit hindi sila nanalo sa nakaraang laban ay dahil wala roon si Lance. Hindi raw ito pumasok sa laban. Hindi ko rin alam ang dahilan at hindi rin naman niya sinabi sa akin.


Ngayon hindi na siya puwedeng mawala. Tatlo na ang sabay-sabay na papasok sa race. At kailangan sa tatlong iyon, hangga't maaari naroon ang pinakamalalakas na representative sa grupo dahil mahalaga ang parteng ito. Malaki ang ambag nito para sa pag-angat ng isang grupo sa puwesto.


Natutuwa ako sa gusto niyang mangyari. Gusto niya akong protektahan? Oo masayang pakinggan pero alam kong hindi patas. May kani-kaniya kaming grupo. Ayokong iwan niya ang Hades para sa akin. Siya ang leader kaya mahalaga siya. Isa pa gusto ko lumaban sa patas na paraan.


Ngunit ngumiti lamang ito sa'kin na para bang walang pakialam sa mga bagay na 'yon.


"Lance seryoso ako! Umayos ka nga!" Hindi ako nakikipagbiruan kaya ipinarinig ko sa kaniya ang iritasyon sa aking boses.


Pero hindi siya marunong magseryoso at nagawa pa akong ngitian ng malawak bago niyakap ang aking bewang at isiniksik ang mukha sa aking leeg.


"Alam na nila ang plano ko, babe." Anito.


Nakiliti ako sa pagdampi ng kanyang hininga sa aking leeg. Gusto ko sana siyang itulak palayo pero siya mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa kaniyang balikat. Para naman akong asong sunod-sunuran at walang kontrang isinampay ang aking mga braso sa kaniyang balikat habang sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri.


Nararamdaman ko na rin ang harapan ng kaniyang kotse sa akin likuran. Hindi ko rin alam kung asan ba kami basta ang alam ko, masaya ako na narito siya ngayon sa tabi ko at magkasama kami sa tahimik na lugar na ito.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now