Chapter 6

15.8K 510 32
                                    

Binibini

~~~🌸~~~


Dorothy's Point of View


Everyone is out already. Marami na ang mga estudyanteng nagkalat sa paligid. Mga naghahanda para sa pang-umagang klase. Today is Tuesday, kasisimula pa lang din ng araw pero nagkalat na ang mga estudyante.


"How's the new student?" Tanong ko kay Barbie na kasabay kong naglalakad palabas ng kwarto namin.


Magkasabay kami palabas ng White building, since we're roommates, kami rin ang halos parating late kung lumabas ng kwarto kompara sa mga kaibigan naming parating maaga.


"Well, she's fine." She answered after a couple of seconds. Tila nag-isip munang mabuti.


"I heard what happened, sa sixth floor? Yesterday?"


Isa ako sa mga wala kahapon kaya wala akong ng mangyari ang mga 'yon. But of course, totoo ang sinasabi nila na may pakpak ang balita. At kahit gaano pa kalaki ang Academy na ito, hindi ganoon kahirap para iparating sa bawat sulok ang bagong pinag-uusapan ng lahat.


Nag-isang linya kaagad ang mga kilay at nabago ang timpla ng mukha. What did she think of me? Mabagal sa bagong chismis?


"Y-yeah, that was-- anyways Hanz got his punishment naman. So I think it was a solved case already."


"Pero sinong may kagagawan? Balita ko ang Hades?" Nagtaka ako sa mga narinig kong balita kahapon kaya hanggang ngayon punong-puno ako ng kuryosidad. Iba ang schedule ko tuwing Monday at hindi ko sila kasama sa kahit anong klase. I heard about what happened to Savannah pagkatapos ay ang encounter nila with Hanz sa sixth floor.


Hanz, a Black Phoenix member. Bastos at walang modo.


And nagkasama man kami kagabi but that was only a very quick get along. Kumain lang kami ng dinner sa kwarto ni Cassiopeia after what happened to her and Hanz and then I get busy with my group sa isang subject kaya hindi ko sila nasundan pa. Umalis din ako kaagad kaya wala na talaga akong alam. I am truly clueless. Napaka limitado rin ng mga bagay na alam ng mga kagrupo ko sa isang subject na kasama ko kagabi. Sa kanila galing ang balita at naiinis ako kasi hindi kumpleto ang kwento.


"Hindi ko alam, hindi ko kasi nakita ng malinaw ang mukha ng tumulong kay Cassiopeia kahapon. I think that was Lance but the coat he gave to Cassie was named under Kenneth's name. So, we assumed it's Kenneth." She answered. Pero nakikita ko na hindi siya sigurado sa parteng 'yon.


Hmm Lance? Kenneth?


Even if it's not Lance but the way these people talked about how Hades being involved to this is different. Something's smell fishy out there.


"Lance? Why would Lance do that? I mean, if it is Kenneth that's explanable since he's the school council's president. But Lance? Oh come on! Alam mo namang mala-halimaw ang pinsang 'yon ni Amber."

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt