Chapter 43

13.2K 306 61
                                    

Kim brothers


~~~🌸~~~


Skyblu's Point of View


"So what are we still doing here? Waiting for what?"


Tumingin ako sa nagsalitang si Jhorie. Hanggang ngayon, galit at masama pa rin ang loob nila sa nangyari noong nakaraang laban sa Underground. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason ng mga galit nila.


Ang pagkatalo namin? O ang hindi nila pagkatanggap sa Artemis.


"Girls umalis na lang tayo rito! This is too much. Hindi ko na kayang makasama pa ang mga iyon!" She's at it again. Laging pag-alis ang sulosyon niya sa lahat ng bagay. Para siyang si Eya.


"We can't do that Jhorie." Iyon na lamang ang nasabi ko at saka napatingala sa malawak at maaliwalas na kalangitan.


Pinagmasdan ko rin ang mga naglalaro ng soccer sa malawak na field.


Wala pa sina Shainna at Eya dahil nagpapagaling pa ang mga ito sa hospital. Hindi naging maganda ang kanilang mga naging lagay noong nakaraang laban. Nagpapagaling pa ng ilang sugat si Shainna habang si Eya ganoon din, mas malala nga lang ng kaonti ang kay Eya kompara kay Shainna but they are both okay now.


"Ano pa bang hinihintay natin? I get it now okay? Hindi tayo makilala nina Amber, fine! Kaya nakakapagod na ang maghintay. And they even have the guts to bring Artemis back? Really? E, tayo nga bumalik ng Underground gamit ang ibang pangalan dahil hindi natin iyon puwedeng gamitin."


"Hindi natin puwedeng gamitin dahil wala sa atin ang leader!" Kaagad siyang napabaling sa'kin dahil sa sinabi ko.


"Huwag kang magbulag-bulagan, Jhorie. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Umirap lamang siya na tila ba hindi pinahalagahan ang sinabi ko.


"I don't care. You still don't have enough proofs for that. Stop telling me nonsense Skyblu."


"And what kind of proof you need Jhorie? Ano pa ba ang gusto mong malaman? Hindi pa ba sapat ang lahat ng nakuha nating ebidensiya?"


"I don't care." Tangi niyang naisagot.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now