Chapter 15

15K 389 5
                                    

Marka


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"May bibilhin ka pa ba, princess?" Tanong ni kuya Aidan habang sinusuyod ang mga paper bags laman ang mga pinamili ko. Tumingin ako sa mga ito. Nakalagay sa aking tabi ang nasa sampung paper bags galing sa iba't-ibang kilalang brands. Inisip ko rin na maliban ba rito kung may kulang pa. Pero sobrang dami na, siguro tama na muna ang mga ito. Sa susunod na linggo na lang siguro ang iba.


Nilingon ko si kuya kasama ng mga ngiti ko, "Wala na siguro kuya okay na ang mga ito. Kain na lang tayo pagkatapos pahinga muna para na rin makapaghanda kayo mamaya para sa D.R."


I know how Death Race works. Kailangang paghandaan at hindi basta pwedeng isantabi. Malalaking grupo ang kalaban dito at hindi gano'n kadali. Matapos ang nangyari sa akin na may koneksyon sa pagkawala ng mga ala-ala ko tinigilan ko na rin ang pagpunta sa Underground. Matapos subukang ipakilala sa akin ito nila kuya habang umaasa na babalik na lahat ng ala-ala ko ay tinigil ko. Ang sabi ko sa sarili ko, babalik ako kapag nakakita na ako ng kahit konting bagay na may koneksyon sa nakaraan ko. But now, I feel like there is something telling me to go.


Sabagay, siguro ay ito rin ang tamang panahon. The last time my brothers introduced Underground to me after the incident, wala naman akong nakilala kahit sinong miyembro ng nasabing grupo na kabilang doon. Ngayon na may paparating na isang Death Race, kung sakali na makita ko muli ang ilan sa kanila at makilala, baka sakaling may maalala ako kahit konti.


Natigil din noon ang Death Race at hindi naging aktibo. Hindi ko alam ang totoong rason at hindi ko rin inalam. Nabalitaan ko na lang, lalo na sa kambal kong kapatid dahil sila ang pinakamadaldal hindi tulad nina kuya Aidan at Kian. Nabanggit nila isang beses na maraming bagong grupo sa Underground. Hindi nga lang nila nabanggit kung sino-sino pero may mga nadagdagan daw na bago.


Hindi ko alam kung nakita ko na ba ang mga ito pero nakasaksi ako ng isang Death Race ng sinubukan kong manood dahil nagbabakasali akong ibalik nito ang ala-ala ko. Ang sabi sakin nila kuya, ang grupo namin noon nakakasali sa isang D.R kaya inisip ko na kung manonood ako at makakasaksi baka sakaling maalala ko ang nakaraan. Pero walang nangyari sa huli. Sumakit lang ang ulo ko.


"Sige, hintayin na lang natin ang mga pagkain. Tapos sa bahay ka na umuwi ngayon don't worry wala si daddy don. Nasa New York siya para sa isang business trip." Kokontra na sana ako sa gusto niyang mangyari pero dahil sa sinabi niya para akong nakahinga ng maluwag. Mabuti naman kung ganun. Walang halimaw sa bahay kaya pwede akong pumunta roon.


"Oo nga pala kuya, nakausap mo na ba si daddy? Wala na bang pag-asang mailipat pa ako ng school?" I am still hoping since gano'n ang sinabi niya sa akin.


Ang alam ko susubukan niyang kausapin si daddy at kukumbinsihin itong baguhin ang desisyon. Kuya Aidan was my ace against daddy. Alam ko na may ilan sa bagay na kayang salungatin ni kuya pagdating sa kaniya kaya naman may natitira pang pag-asa sa akin kahit na konti. Ngunit ng umiwas siya ng tingin para bang unti-unting nawala ang pag-asang iyon.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now