Chapter 12

14.5K 436 9
                                    

Taste


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Sunod-sunod ang mga naging pagdaing ko ng makailang ulit kong saluhin ang mga suntok nila. Kaliwa't kanan at sa dami non hindi ko na mabilang. Ilang sampal din ang halos magpamanhid sa aking mukha na pakiramdam ko namamaga na ngayon. My knees are shaking but if I will be given a great chance by destiny, even if it's just a small chance, I will give these sluts what they deserve.


I am not a fan of cat fights, but with this? Maybe I can forget that thing just once. Dahil mabigyan lang talaga ako ng kahit konting pagkakataon? Hindi ako mangingiming ipatikim sa kanila ang kamao ko. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko magawang lumaban at ipagtanggol ang aking sarili dahil sa apat na lalaking mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko at sa mga binti ko. Hindi nila ako hinahayaang lumaban kaya nagmumukha lang akong punching bag ng mga babaeng ito.


I received another punch from one of these sluts na duwag at hindi naman magawang lumaban ng patas. Magaling lang talaga sila dahil hindi ko nagagawang lumaban at makaganti. Kung binitawan lang sana ako.


"Damn!" Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit sa sikmura matapos na naman akong makaramdam ng panibagong suntok mula sa isa sa kanila. I also taste blood inside my mouth pero pinigilan ko ang sarili ko na magpadala sa mga sakit na 'yon. Nanatili akong matatag at binigyan sila ng nakakaloko at mapanghamong ngiti. But this time, nanghihina na talaga ang mga tuhod ko ng isang malakas na sipa ang natanggap ko mula sa isa sa mga hayop na babaeng 'yon.


"Ano susuko ka na ba? Kailangan ko lang naman ay ang marinig kang magmakaawa at gusto ko yong marinig ng malakas at malinaw. And right after that, tapos na ang usapan natin. At gusto ko rin na marinig mula sa iyo ang loyalty mo sa Black Phoenix!" Mataray na utos ni Lucil habang nakapameywang sa harapan ko.


What the hell? What is this? Some kind of initiation? Bullshit! Wala akong balak na pasukang grupo sinuman sa kanila kaya bakit may hazing? Ano ba talagang akala niya?


Tiningnan ko siya atsaka ngumiti ng todo kasabay ng pagdaan ng dila ko sa pang itaas kong mga ngipin at dito ko nalasahan ang sariwang dugo. It's fine. As long as buo pa rin ang ngipin ko.


"We are just being fair sweetie. Huwag mong isipin that we are taking it personally. Pasensya na girl but this is how Daemon's Academy works on every new students. Hindi kami tatanggap ng mababang uri ng estudyante. Hindi kami tatanggap ng mahihina. You have to prove yourself first before you officially became one of us." Mahigpit niyang hinawakan ang mga pisngi ko habang tumutusok ang mahahaba niyang kuko sa aking balat.


Ganito sila tumanggap ng bagong estudyante? Ibig bang sabihin sila ang kumakalkula sa kakayahan ng bawat isa? Pinagmasdan ko silang lahat. Lahat ng estudyante na nasa paligid. Ngayon malinaw na sa akin. Mga halimaw talaga sila! Masasama! Hindi dapat tularan at hindi dapat magpadala sa mala-anghel nilang itsura.


"Lahat kami rito dumaan diyan sa lugar mo! Lahat kami rito napagdaanan ang hirap! Kaya nagiging patas lang kami, baguhan!" Lalo niyang diniinan ang hawak sa akin.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now