Chapter 32

13.4K 465 24
                                    

Slave


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


At ano namang ginagawa niya rito? Narito ba siya para magpasikat? O narito siya para manood muli at walang gawin katulad ng kung paano ang ginawa niya sa akin kahapon?


He heard me screamed on that damn phone yesterday and I am so sure about that. Pero walang tulong na dumating. Hindi siya dumating! I was mistakenly kidnapped. Oo sinabi ko na hindi ako aasa sa kanya pero hindi lang ako makapaniwala na ganun talaga ang nangyari kahit na dahil sa kanya kaya ganun ang nangyari sa akin.


"Lance!"  Tawag ng isang boses.


At ng makita ko ang isa pang pigura ng isang pamilyar na taong pumasok sa pinto ay agarang napaikot sa kawalan ang aking mga mata. Ano ring ginagawa niya rito? Lahat sila! Anong ginagawa nila rito?


Lalo akong nakaramdam ng matinding iritasyon ng makita ko ang pagpulupot ng mga kamay ni Rhian sa braso ni Lance. Tsk! Isang linta! Kung makayakap siya para namang aagawan!


Ngunit sa halip na ituon sa kanila ang mga mata at lalo lang mairita ay nilapitan ko na lang iyong lalaki na galit na galit sa akin kanina. Kinuha ko sa kamay niya bola na ginamit ko kanina. Nakita ko ang pag-angal niya pero wala naman itong sinabi at hindi na nakipagmatigasan sa halip ay sumulyap sa lugar nina Lance at ng pisting tukong nakakapit sa kaniya.


Ang sakit-sakit nila sa mata!


Tiningnan ko iyong lalaki na ngayon ay tila isang tupa na. Naging maamo at halos mapayuko na habang iniiwasan ang mga titig ko. Matapos kong makuha ang bola ay 'tsaka ko ito inihagis-hagis sa ere ng pumihit ako para maharap silang dalawa, particularly si Rhian.


Pinagmasdan ko ang mukha ng impostora. Oo nga pala at narito na siya, siguro tama lang na dito niya ipakita kung anong magagawa niya.


Siya si Aphrodite hindi ba? Gusto ko lang talaga makita kung ano ang kaya niyang gawin. I was always this curious. She's stealing my identity, my name, my reputation even my friends. Kahit na hindi pa buo ang mga nawawala kong ala-ala, sapat na ang ilang piraso na nabuo sa akin. At sapat na rin ang mga iyon para ipagkait ko sa kanya ang mga bagay na dapat ay akin.


Tiningnan ko si Lance.


Biglang nagtangis ang mga bagang ko kaya muli kong inilipat ang mga tingin ko kay Rhian.


"Aphtodite, right?" Taas kilay kong tanong sa kanya matapos kong marating ang kanilang harapan.


Tumingin naman ito ng makahulugan sa akin na para bang nagtatanong pero wala namang lumalabas sa bibig. Naka-isang linya ang kanya ang mga labi na parang takot iyong ibuka dahil sa oras na may mali siyang masabi, hindi ako mangingiming isupalpal sa kanya ang hawak ko. Ipapalunok ko talaga sa kanya ang bolang hawak ko dahil nag-uumapaw ang galit ko ngayon. Kailangan ko ng mapagbubuntungan ng lahat.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now