Chapter 57

9.3K 261 3
                                    

Talunan


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Hindi pa rin ako makagalaw o kahit ang makapagsalita ng kahit na konti habang pinagmamasdan ko ang lalaking bagong dating na nakaluhod na ngayon sa aking harapan. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Hinaplos din niya ang ilang sugat sa aking braso pati na sa aking binti. At sa bawat haplos na ginagawa niya, ilang pag galaw ng kaniyang panga ang natutuklasan ko. Naroon din at hindi nawawala ang galit sa kaniyang mga mata na lalong tumatalim sa tuwing dadaan ito sa mga sugat at pasa sa aking katawan.


Hindi pa ako nakakabawi. Hindi pa lubos na napo-proseso ng utak ko ang katotohanan na narito siya sa aking harapan ng marahas niyang harapin ang kapatid ni Rhian. Tumayo siya at kaagad itong sinalubong ng ilang suntok.


Hindi ako gumalaw. Nanatili ako sa aking pwesto habang pinagmamasdan silang dalawa. Nanatili ako sa aking pwesto habang nakasalampak sa malamig na semento.


"Fuck you Rhowan! I already warned you! I told you don't hurt her! Don't even lay your fingers on her but what have you done? What the fuck is this?!" Halos hindi na makamulat iyong lalaki dahil sa sunod sunod na suntok na ibinigay niya but then, the man he called Rhowan didn't fight back.


Hindi ko alam kung paano sila naging konektado sa isa't-isa pero batay sa nakikita ko ay sadyang hindi makalaban iyong Rhowan. Kaya kahit marami pa akong tanong at naguguluhan ay mabilis kong kinuha yung kutsilyong gamit noong Rhowan kanina para kalagan ako. Nabitawan niya ito sa tabi ko .


Now, it's my chance to run. But the curiosity inside me is killing me. Kahit papano ay may daan na sana para makatakbo ako palayo pero hindi ko magawang humakbang kahit isa. Kahit positibo na ako sa kaniyang boses ay gusto ko pa rin makita ng sarili kong mga mata


I take a step closer to them. Hindi para pigilan siya na halos patayin na iyong Rhowan kung hindi para iharap sana ito sa akin pero bago ko pa siya mahawakan, tumigil na siya.


"Hindi ko ito mapapalampas, Rhowan! Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa oras na may manakit muli sa kaniya. Kahit sino sa inyo hinding-hindi siya pwedeng saktan. Wala kayong karapatan!" Binalot ng napakalamig at napakalalim niyang boses ang buong silid na ito. 


Habang tumatagal ay lalo ring lumilinaw na sa akin kung sino talaga siya. Kahit na ayaw maniwala ng isang parte ng aking utak ay wala itong magawa nang malinaw na malinaw na marinig ko ang kaniyang boses.


Pero iyong Rhowan, kahit na punong-puno na ito ng dugo ay nagawa pa nitong tumawa.


"Bakit? Ano bang inaakala mo? After hiding your true identity, do you think she will love you back? After doing this, do you think that you can have her?" Tumawa pa iyong lalaki habang pinapahid ang dugo sa gilid ng kaniyang labi.


"Don't be a fool! Sa oras na malaman niya kung sino ka talaga at malaman niya lahat ng ginawa mo tingin mo matatanggap ka niya?" Kahit hirap ay pinilit nitong tumayo. Tumingin ito sa gawi ko bago muling tumitig sa lalaking nakatayo pa rin sa kaniyang harapan.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now