Chapter 22

13.3K 404 18
                                    

Black in the Dark


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Kuya, kuya sagutin mo please! Sagutin mo!" Nakatayo at pabalik-balik akong naglakad habang hinihintay na sagutin niya ang kaniyang cellphone mula sa kabilang linya.


These damn things ay siguradong hindi ako papatulugin once na hindi ko sila makausap. I need to talk to him o kahit na sino sa kanila. I need to clear things up bago ako matulog sa gabing ito. Kailangan ko malaman ang lahat. Pakiramdam ko hindi sapat ang ibinalita nya sa akin. Hindi ko alam pero hindi dapat na ganito. Marami akong tanong at alam kong hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang mga kasagutan.


The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later.


Paulit-ulit na mura ang lumabas sa aking bibig nang sa ikatlong pagkakataon operator ang sumagot ng tawag. Ngunit hindi ako sumuko. Paulit-ulit kong idinial ang kanyang number. Kapag hindi naman sinasagot ay sinusubukan ko ang number ng iba ko pang kapatid. Nagpaikot-ikot sa kanilang apat ang pagtawag ko pero wala pa rin talaga akong makuhang sagot. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ang operator pa rin ang sumagot ng mga tawag na iyon kaya lalo akong nainis!


Lalo rin akong kinabahan. Bakit walang sumasagot isa man sa kanila? This is unusual. Bakit lahat sila hindi ko makontak?


"Tangina! Ano ba!" Halos mapasabunot ako sa aking sariling buhok.


Kuya why are you guys not answering?! Ayaw kong isipin pero sumasagi sa isip ko na baka may nangyari na sa kanila. I even dialed fourth's number. Isa sa miyembro ng Zeus at kaibigan nila kuya at lalong nadagdagan ang kaba ko ng pati siya hindi ko makontak. Damn it! This cannot be!


"Anong gagawin ko?" Sigaw ko out of frustration.


Hindi ko pa alam ang buong kwento ng nakaraan ko. My brothers doesn't even know that I remember things from the past kaya naman no one must know where Aphrodite is. Alam ko na kahit ginamit ko lamang ang pangalang iyon bilang pagpapanggap hindi pa rin maaaring malaman ng lahat. Kailangang manatiling lihim ang mga bagay na hindi na dapat pang ungkatin. Isa pa I don't think I'll use her again. When my dad agreed on giving me the name I truly have, narealize ko na hindi ko na dapat pang gamitin ang ibang pangalan. And that name, Aphrodite has a lot of mysteries. I need to know everything first. This is a bigger story.


Ang the fact na gamit ko na ngayon ang totoong ako. Si Cassiopeia, si Cassiopeia Kim kaya naman naisip ko rin na kailangan ng mawala ni Aphrodite dahil narito na ako. Hindi maaaring makilala ang dalawa. Ayokong gawing kaguluhan iyon sa lahat.


Patuloy akong nag-isip ng mga dapat gawin. I want to talk to kuya. I need their help. This is not going to be easy. I need to do something.  At sino ba ang nagpakalat ng balitang iyon? Kilala ba niya ako? Alam ba niya ang lihim ko? Hindi pwedeng malaman ng lahat ang mga bagay na maging ako ay hindi pa rin alam ang buong kwento.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now