Chapter 47

10.3K 265 2
                                    

Together


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Get off Cassiopeia!" Kung isang normal na tagpo lamang ito hindi na ako nagdalawang isip na sundin ang sinabi ni kuya Kian. Pero pagkatapos ng lahat, ng lahat ng alaala na bumalik sa akin? Hindi ko na magawang magsawalang-kibo at makinig.


Noon paman wala na silang ibang ginawa kung hindi ang kontrolin ako. At ngayon anong tingin nila? Papayag ako? Papayag na maging sunod-sunuran sa mga sasabihin nila at iuutos sa akin? Hindi na ngayon! Hindi na dahil hindi na ako ang dating Cassiopeia na kaya nilang paikutin sa mga palad nila. Hindi na ako ang dating Cassiopeia na walang ibang ginusto kung hindi ang ipleased silang lahat!


Tinitigan ko si kuya Kian ng madilim katulad ng mga titig nya sakin. Oo alam ko na mas matanda sya sakin. They used to be the one who decides for me. Kahit sa mga bagay noon hanggang sa pagkausap ko kay Lance. Lahat sila ang nagdidikta sa akin. Pero hindi na ako papayag dahil hindi na ganun ang sitwasyon ngayon.


"I am your brother for goodness sake, Cassiopeia!" Ibinaba ni kuya ang hawak niya at halos hindi na maipinta ang mukha. Para siyang sasabog sa sobrang galit.


Kitang kita at ramdam na ramdam ko na ang galit niya sa bawat salitang binitawan. Kung katulad sana ako ng dating Cassiopeia kanina pa ako nanginginig na sumunod sa mga sinabi niya. But today is different.


Naaalala ko na! Naaalala ko na ang lahat! Kung paano nila halos araw araw na pahirapan si Lance noon kahit makita lamang nila itong lumalapit sakin o nakikipag-usap. At higit sa lahat, ang araw na naaksidente ako dahil sa kanila! After what they did to Lance dahil lang nalaman nila na boyfriend ko na noon si Lance. Sa tingin nila papayag pa ako na maulit iyon sa mga kamay nila? Doon sila nagkakamali.


"Don't tell me what to do kuya! Kung iniisip niyo na tulad pa rin tayo ng dati at ganun kadali para sundin ko kayo, pwes nagkakamali ka." Hinila ko si Lance papunta sa aking likuran.


I then realized, palagi na lang niya akong pinoprotektahan. Siya rin ang palaging napapahamak sa kamay ng mga kapatid ko. Siguro it's time for me to stand up for him. Noon wala akong magawa pero ngayon na kaya ko na, hindi na ako papayag na gawin lang kaming laruan ng sarili kong mga kapatid.


"Tumigil na kayo kuya Kian habang may natitira pa akong pag galang sa inyo. Hindi ko alam kung anong mga susunod na mangyayari kung patuloy niyo itong gagawin." Tumingin ako sa paligid.


Masyado ng maraming nadamay. Marami ng nasaktan at marami ng nasira dahil sa walang kwenta nilang gulo. Kung hindi talaga sila titigil, tuluyang malalayo ang loob ko sa kanila.


Pero sa kabila ng paghila ko kay Lance papunta sa aking likuran ay ipinagpalit niya ang aming mga posisyon. Hinila niya ako at ako naman ang itinago niya sa kaniyang likuran at matapang na hinarap si kuya Kian.


"She's out of it, Kian. Sakin kayo may problema, hindi ba?" Alam ko na talagang may problema sila isa't-isa pero mali ang sinabi niya na labas ako roon.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Место, где живут истории. Откройте их для себя