Chapter 21

13.6K 364 23
                                    

Alive

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Ilang beses ko ng naramdaman na may kakaiba kapag hinahawakan ako ni Kenneth. Hindi ko maipaliwanag kung para saan at kung anong ibig sabihin noon pero hindi ko maramdaman ang dapat na maramdaman pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako. I can't explain but I did not feel anything special after he confessed. Kaya naman mabilis akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko na inintay pa ang pagpigil nya o kung ano paman. Dali-dali na akong umalis ng clinic without answering him. Hindi ko rin naman sigurado kung required ba akong sumagot sa sinabi niya.


"Cassie!" Mahigpit na yakap mula kay Amber at malakas na boses niya ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng classroom.


"Namiss ka namin." Dagdag pa nito.


"Ako rin." Pati sa Barbie lumapit at nakiyakap narin hanggang sa sinundan pa ito ng iba maliban kay Faye na tinitingnan lang ako ng kakaiba at hindi nag-abalang lumapit.


"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ni Barbie habang titig sa aking braso. Nakalimutan ko palang isuot muli ang aking blazer kita tuloy ang bakat ng dugo sa puting long sleeve na suot ko. Hindi ko na rin naisipang magpalit dahil may klase na. Mamaya na lang siguro.


"Ah, ito ba? Wala naman na-aksidente lang." Sagot ko. Ngunit ang mga mata ko ay muli akong dinala kay Faye. We need to talk. I need to ask things.


"Faye, can we talk later?" Tinitigan lang niya ako. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mga mata pero kalaunan tumango naman ito. Hindi nga lang nagsalita.


"Tayo na Cassie, darating na mamaya ang magtuturo." Anyaya ni Barbie na tinanguan ko naman ngunit pansin ko pa rin ang paninitig ni Faye mula sa kanyang upuan.


Pumwesto ako sa gilid sa lugar ko noong first day dahil wala namang taong nakaupo roon. Pero sa kasamaang palad ang akala kong tahimik na araw ay bigla nalang nagimbal. Sa tabi ko rin naupo ang kadarating lang na si Terrence habang nasa tabi niya naman si Lance at nasa unahan namin ang tatlo pa nilang barkada kasama na si Kenneth.


Bakit kailangang dito pa? Napakarami pa namang bakanteng upuan. Nilingon ko si Terrence at tiningnan ng masama ngunit ngumiti lang ang loko.


Habang naghihintay ng pagdating ng teacher namin tumingin na lang ako sa labas. Nagbibilang ng mga taong dumadaan dahil hangga't maaari ayoko ng sakit ng ulo ngayong araw. Kapag pinansin ko pa kasi ang mga walang hiya kong katabi sigurado na 'yan na sunod sunod na hanggang masira na talaga ang buong araw ko.


Pero natigilan ako ng tinawag ni Kenneth ang aking pangalan, nasa harapan ko siya kaya lumingon siya para mas makita ako.


"Cassiopeia!" Tiningnan ko ito.


"Lampa ka ba?" Bigla akong napatingin sa kaniya ng masama. Out of nowhere ay nagtanong siya ng isang nonsense na question. What the hell is his problem?

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now