Chapter 2

22.2K 775 23
                                    

Let's Play

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Tumingin ako sa aking relo. It's exactly 8:29 am.


"Last minute." Bulong ko.


Mabilis kong tinakbo ang natitirang pagitan mula sa kinatatayuan ko patungong room 133 kung saan ang sinasabing magiging unang klase ko para sa araw na ito.


Hindi ito mahirap hanapin dahil matapos kung lumabas ng elevator, sa harap bumungad sakin ang nakahilerang mga pinto. Those silver doors show how elegant Daemon's Academy is, masyadong marangya sa mga desenyo palang.


Now I am thinking, magkano kaya ang tuition fee rito? I don't have any idea about the payment method dahil maliban sa schedule ko, wala ng nabanggit ang faculty head na naka-usap ko kanina. I wonder if it range around a hundred thousand or more per semester. Not included those other school related stuffs.


Hindi malabong ganon nga, or even if it's a half of a million per semester hindi nakakapagtaka. That would be reasonable for this big and elegant Academy. Hindi lang paligid dahil maging lahat ng kagamitan mukhang mamahalin ang dating.


For the exact time, at exactly 8:30 am, narating ko ang tapat ng Room 133. Sa bilis ng ginawa kong lakad-takbo, I just spent seconds to reached the door.


Para sa mga nangyari, hindi ko magawang sisihin ng buo ang sarili ko. Una sa lahat, bakit ba ngayon lang ibinigay ang schedule na ito? Ayoko pa naman ang nagmamadali. Mas gusto ko ang nasusulit ang bawat minutong nagdadaan, ayoko ng hinahabol ang oras. I am a very time conscious person.


But still I made it, now I am standing in front of Room 133 and checking if it is really the room for my first class at mukhang ito na nga.


"Nagsisimula na ata ang klase." Nakasarado na ang pinto. Wala rin itong bintana maliban sa malaking glass wall na mistulang salamin dahil hindi kita kung ano ang nasa loob. Repleksyon mo ang makikita mo kaya hindi ko alam kung paano malalaman kung nagsisimula na ba ang klase o hindi.


Too much for my first day! Damn great! Mabuti pa talaga sigurong sumama nalang ako sa mga kaibigan ko when they asked me to join on their little getaway. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan ng unang araw ko. Pero on time naman ako, hindi ba?


I was about to knock and ready to embarrass myself from being late ng biglang bumukas ang pinto at isang mala-manikang babae ang bumungad sa'kin. May kulay tsokolateng buhok, maputi ang balat at bilogan ang maliliit na mata. 


What the hell?


I almost fainted dahil sa gulat.


Napatitig ako sa babae. Hindi ko mapigilang hindi punahin ang kabuoan nya lalo na at sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Napagmasdan ko ang maganda at natural na pag-arko ng kanyang mga kilay at katamtamang tangos ng ilong.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now