Chapter 44

12.2K 259 4
                                    

Black sheep


~~~🌸~~~


Amber's Point of View



"Cassiopeia!" Patakbo kaming bumalik sa loob ng clinic matapos ang sinabi ng nurse. Halos mag-unahan kami papasok dahil sa balita.


Shit! This is a very wrong timing. Cassiopeia shouldn't see what is happening. Baka lalong lumala ang nararamdaman niya.


"Cassie? Cassie?" 


Pagkapasok ay agad naming nakita si Cassiopeia na naka-upo sa kama. Hinihilot ang kaniyang sentido habang nakapikit ang isang mga mata. Halatang may iniinda pa ring sakit kaya nahinto kami sa paglapit. Kahit ako hindi ko alam kung paano siya lalapitan dahil sa ayos niya ngayon.


Magkasalubong din ang kaniyang kilay ng tumingin sa amin. Hindi siya nagsalita pero ang mga tingin niya parang nagtatanong.


"A-ayos ka na ba, Cassie? What happened? What are you feeling?" Sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis siyang umiwas. Nagulat ako, ganon din ang iba kaya napasalubong ng wala sa oras ang mga kilay ko.


"Cassie—


"Sino ka? Sino kayo?"


Dahil sa tanong na iyon ay para akong binagsakan ng langit. Naguguluhan akong napatingin sa kaniya pagkatapos ay napalingon ako sa mga kasama ko sa likuran. At katulad nila, maging sila ay halata rin na hindi maintindihan ang nangyayari.


Nasagot lamang ang mga tanong namin ng lumabas mula sa isang pinto ang isang babaeng doctor na siyang naka-duty ngayon. Agad siyang lumapit sa amin habang may hawak na mga papel sa kaniyang isang kamay.


"Don't worry, this is just temporary." Pumagitna siya sa amin at pinagmasdan kaming lahat na naguguluhan.


"Nakausap ko na si Miss Kim kanina ng magising siya. We also reviewed her case and what happened to her earlier pushes the limit of her brains. She is suffering from a dissociative amnesia. Wag kayong mag-alala dahil temporary lang ito. Maaring dahil ito sa isang event na naalala niya from her past that causes her brain to work double as usual."


Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Kasalanan ko kung bakit nawalan ng malay si Cassiopeia kanina. Masyado atang napreassure ang utak niya na alalahanin ang nakaraan hanggang sa nawalan siya ng malay. At ngayon, we are expecting her to remember it all pagdilat niya pero mukhang lumala pang lalo ang lagay niya.


"Maladas sa ganitong cases, hindi naman nag tatagal. Isa pa, this time hindi dahil sa isang injury o incident ang naging dahilan. Kailangan lang kumalma ng kaniyang utak. At hindi magtatagal ay kusang babalik ang mga alaala niya kaya huwag kayong mag-alala."


Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Salamat kung ganon. Lumingon ako sa mga kasama ko at maging sila ay mukhang nakahinga rin ng maluwag sa narinig.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now