Chapter 8

17.4K 485 16
                                    

Please

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Buong akala ko matapos kong ipakita na hindi ako simpleng baguhan sa impyernong lugar na ito mababawasan kahit papano ang mga taong sisira sa bawat araw na magdadaan sa'kin ngunit hindi pa rin pala. Meron pa rin talagang maliligaw para guluhin at pahirapan ako sa kabila ng ninanais kong mapayapang araw.


Sa kabila ng mahigpit na hawak sa akin ni Lance, nagpumiglas pa rin ako. Kahit dito man lang maipakita ko sa kanya na hindi ako katulad ng ibang estudyante rito na madaling makakaladkad kung kailan nila gustuhin.


"Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Pilit kong binawi ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak ngunit napakahigpit nito, mahigpit pero sa paraang hindi ako masasaktan.


I gathered all my strength to pushed him away but I think my strength is not enough. Tila siya isang matigas na pader at napakatibay ng pundasyon.


"Ano ba? Hindi ka na ba marunong magsalita o nabingi ka na? Tinatanong kita kung saan mo ako dadalhin!" Singhal ko rito pero tila ba isang bato ang kausap ko. Bato na hindi nagsasalita at hindi sumasagot. Hindi niya pa rin ako pinapansin at basta na lang kinaladkad papunta sa hindi ko malamang lugar. Nakakainis na! Sino ba siya para manghila na lang nang basta basta?


"Sandali lang! Ano ba!" Lahat na ginawa ko pero napakahigpit talaga ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan at hindi ko ito magawang maalis kahit sa anong paraang alam ko. Hanggang sa tumigil at makarating kami sa tapat ng isang maliit na kulay puting pintuan.


"Sandali nga sabi eh, at ano namang ginagawa natin dito?" Kaharap ang kulay puting pinto hindi ako tanga para hindi malaman kung anong lugar ito.


Sa laki rin ng mga letrang nakaukit sa harapan nito: Clinic.


Hindi pa rin ako sinasagot ni Lance. Hindi niya ako sinagot kaya nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at ipatong sa kanyang ulo.


Clueless at laglag ang panga ko siyang binalingan,


"What?"


"Nahahawakan mo ba 'yan?" Tanong niya sa kamay kong nakapatong sa kanyang ulo.


Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin kaya naman tumingin ako dito ng may halo-halong pagtataka. Pakiramdam ko nga para ng isang question mark ang mga mata ko sa sobrang pagiging walang alam sa mga tinutukoy niya.


"Anong meron?" I asked.


Kung ano man ito, hindi ko maintindihan. Tiningnan niya ako ng may dagdag na dilim sa mga mata. His jaw clenched and his eyes became darker. He licked his lower lip that results for it to becomes redder than the usual.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz