Chapter 51

11.5K 303 9
                                    

 Mansion


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


Huminto siya sa paghalik sa akin atsaka pinagdikit ang aming mga noo pero hindi noon napigilan ang mga pagwawala ng puso ko. Hindi na nga talaga ata ako masasanay sa kaniya. Kahit kailan ay hindi masasanay ang sistema ko na kilalanin ang kakaibang dulot niya sa akin. Kaya sa tuwing hahalikan niya ako ay kakaiba pa rin ang pakiramdam nitong dulot.


Mahal ko talaga siya. Iyon lang ang talagang malinaw sa akin. Mas malinaw pa sa sikat ng araw. At dahil hindi na nabago ang bilis ng puso ko, pakiramdam ko lalabas na ito muna sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay nakikipagkarera ito sa loob, sobrang lakas at bilis ng tibok.


Lance! Bakit ba ganito na lang katindi ang epekto mo sa akin? Paano mo ba ito nagagawa?


"You're my drugs, babe. I'm so damn addicted to you." Saad niya atsaka muli akong hinalikan ng mariin at inangkin ang aking mga labi na parang pagmamay-ari niya.


Pakiramdam ko, maging ako ay naaadik na rin sa kaniya. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ang normal na araw nang wala siya sa tabi ko. Hindi ko na alam kung paano maging normal ang mga oras at minutong dadaan kung hindi ko na siya makikita. Masyado na akong nasanay sa presensya niya sa tabi ko. At kahit hindi paman sanay ang dibdib ko sa mga bagay na pinaparamdam niya ay alam kong hahanap-hanapin ko na iyon.


At sa mga oras na ito, aaminin ko na naadik na rin ako sa kaniya, sa mga labi niya, sa amoy niya, sa kaniyang presensya, sa mga titig niya at hanggang sa kaniyang mga hawak. Ang kaniyang mga labi, it taste like a cherry.


Lalo pang dumiin ang mga halik ni Lance at mas lalong lumalim. Para akong nababaliw. Tinugon ko ang kaniyang mga halik at hindi na inalintana ang nasa paligid. Hindi ko na rin alam pero ang mga kamay ko ay parang may sariling buhay. Masyado akong nadala ng pagkakataon kaya malaya itong naglayag sa kaniyang katawan. On his manly chest all the way down to his Adonis-body, that was like perfectly built.


Baliw na nga ata ako. Baliw na baliw na sa kaniya.


Palihim na lang din akong napapangiti sa pagitan ng mga halik niyang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. He is really something. Pero ngayon, alam ko ng iisa lang ang sitwasyon naming dalawa. I am also addicted to him. We are both addicted to each other.


Nakakaadik! Hindi ko mapigilan.


"Fuck!" Nagulat ako ng bigla siyang huminto at lumayo sa akin sabay napamura ng mahina.


Lumayo rin ako ng bahagya at agad siyang sinuri.


"Why? What happened?" Nag-aalala kong tanong at iniisip na baka nakagat ko ang kaniyang mga labi pero agad naman siyang umiling.


"Let's go!" Tangi niyang nasagot after giving me another kiss on my forehead.


Umayos na rin ng upo si Lance sa kaniyang pwesto at mahigpit na hinawakan ang manibela matapos ayusin ang kaniyang seatbelt.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now