Chapter 34

14K 374 7
                                    

Punishment


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"So this is Dos' fault?" Ito na marahil ang ikalimang ulit niya sa pagtatanong pero hanggang ngayon kitang-kita ko pa rin ang pagtangis ng kaniyang mga bagang. Galit na galit at tila hanggang ngayon hindi pa rin maunawaan ng husto ang mga nangyari at kung paano iyon nagawa ni Dos.


Naiintindihan ko siya. Kahit naman ako ay talagang nagalit ng husto kay Dos. I mean hanggang ngayon. I am still mad at him at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mararamdaman. Basta hindi ko pa siya handang mapatawad. At hindi ko pa kaya. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga ginawa niya.


Huwag muna ngayon.


He manipulated everything at ngayon hindi na ako makakapayag na maulit ang lahat. Nahihirapan na rin ako magtiwala. Sinira nila iyon. Hindi ko alam kung paano nila nakayang sirain ng ganito ang tiwala ko. Pero hindi ko alam kung maibabalik ko pa ba iyon sa dati. Kung mangyayari man, siguro naroon na ang marka at hindi na magiging buo at kasing tibay ng dati.


"Ang mahalaga ngayon magkasama na tayo." Tanging nasagot ko kay Lance habang masayang nilalantakan ang slice ng chocolate cake na inorder niya kanina.


Nangyari na ang mga bagay na iyon at kahit anong gawin namin hindi na maibabalik ang nakaraan para baguhin ang mga bagay. Sapat na siguro ngayong nahanap namin ang bawat isa muli at ngayon ay magkasama na. Ayos na ito, masaya na ako sa ganito.


"I'll make him pay!"


Umikot sa ere ang mga mata ko. Alam kong galit siya, pero kahit basagin man niya ang mukha ni Dos hindi na noon mababago ang mga nangyari. Tama na sigurong umiwas na lang at lumayo sa taong iyon para hindi na madagdagan pa ang gulo.


"Tsk! Hayaan mo na. Kumain ka na lang, oh!" Inilapit ko sa kaniyang bibig ang kutsarang hawak ko na may lamang cake. Malugod naman niya iyong tinanggap habang nangingiti pa na akala mo'y bata.


"Ang saya-saya mo ah, parang cake lang e? Ngayon ka lang ba nakakain nito?"


"Ngayon lang ako kumain ng ganito sa buong buhay ko." Sagot niya.


Napasalubong naman ang mga kilay ko, "Bakit? Paano ka ba kumain noon? Umiiyak o nakasimangot?"


Pinisil niya ang ilong ko habang nangingiti dahil sa sinabi ko. What? Paano ba? Iyon ang sinabi niya hindi ba? Ngayon lang siya nakakain ng ganito. Ano bang ibig niyang sabihin doon?


"Masaya lang ako. I mean, this is the best feeling I felt while eating."


Ako naman ngayon ang napangiti. Pero syempre pilit ko iyong nilabanan. Kahit halos gusto ko ng mamilipit dahil sa mga banat niyang kanina pa nagpapakilig sa akin ay ayaw ko pa ring ipakita. Nakakahiya at ayoko ring makita niya. Baka lalo lang siyang maging mapang-asar.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora