Chapter 42

12.3K 314 6
                                    

Gentleman


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"You think she will remember something this time?" Tanong ni Barbie habang magkakasama naming pinagmamasdan si Cassiopeia na hanggang ngayon wala pa ring malay.


Natatakot na kami para sa kaniya. Kanina ng mawalan siya ng malay halos hindi na namin alam ang gagawin. Kahit ako nataranta ng husto. We are just talking about the things regarding the past tapos bigla na lang siyang nawala ng malay.


Mabuti na lang talaga at dumating si Lance. Eksaktong pagdating nila, ng biglang mawalan ng malay si Cassiopeia ay nasa likuran na siya nito kaya't hindi ito tuluyang nahulog sa kaniyang upuan.


"Mabuti na lang at dumating sina Lance bago pa siya mawalan ng malay. Kung hindi...Tiningnan ko ang pinto na nakasarado na ngayon. Nasa labas lamang ang Hades na kasama namin upang dalhin dito si Cassiopeia.


Kami muna ang naiwan dito sa loob para pero isang oras na at wala pa rin siyang malay.


"I really hope her memories will come back." Ani Faye habang malungkot ang mga mata habang nakatingin sa wala pa ring malay na si Cassiopeia.


I really hope that too. Alam kong mahirap para sa kaniya pero hinihiling ko na sana nakatulong ang mga impormasyon na sinabi ko sa kaniya kanina tungkol sa kaniyang nakaraan. Baka sakali na iyon ang maging tulay patungo sa kaniyang malabong mga ala-ala. She's suffering too much. Seeing her like this makes my heart ache really bad.


She's our friend, at kahit na alam namin kung gaano siya katapang alam ko na deep inside nasasaktan pa rin siya para sa mga bagay sa nakaraan.


Si Cassiopeia, ipinapakita lang niya na ayos lang siya, na walang problema at hindi namin kailangang mag-alala but I know, I know that she is crying for help. She wants to regain her memories. She wants to remember all. She only acts like she's a strong woman but I know that she is screaming for help inside.


Gusto ko siyang tulungan. Gustong-gusto. Pero matapos makita ang nangyari sa kaniya ngayon parang nagdalawang isip na ako. Babalik nga ang mga ala-ala niya pero parang napakahirap namang makita siyang ganito.


I don't know if we can stand seeing her like this.


Lumapit ako kay Cassiopeia at umupo sa isang bakanteng upuan sa gilid ng kaniyang kama. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil ito ng bahagya.


'Rest for now our Cassie, everything will be alright.'


I assure her that. Mga kaibigan niya kami at anumang mangyari hinding-hindi namin siya iiwan. May mga ala-ala man siya o wala, we will always be right here.


"I think you should rest now, ako na muna ang maiiwan dito kay Cassie. Bumalik na muna kayo sa mga kwarto niyo." Bulontaryo ko.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon