SYNOPSIS

20.3K 422 22
                                    

KENSHI GUTTIEREZ - Guwapong chinito na maangas ang dating. Matalino. Masungit pero lapitin pa rin ng mga babae. Ilan lamang sa mga katangiang nakatatak na sa pagkatao ng leader ng grupo. Siya rin ang pinakamayaman sa kanilang magkakaibigan pero ang buhay na kinamulatan niya ay hindi pala buo. May kulang pa.

SAIYAN ALMONTE - Guwapo na, matalino pa. Mayaman katulad ng leader nila. Paano siya napabilang sa grupo? Dahil magkakaibigan na silang pito mula pagkabata. Siya ang pekeng singer ng kanilang grupo dahil mahilig itong kumanta kahit 'di naman kagandahan ang tinig. Mabait at hindi maloko sa mga babae kaya nakakagulat nang makagawa ng isang pagkakamali.

HOPPER VIZCONDE - Guwapo, matalino at mayaman. Malakas ang hatak sa mga babae kaya siya ang palikero sa grupo. Masaya kung titingnan ang kanilang pamilya pero sa panlabas lamang iyon dahil kulang sila ng isang miyembro.

GROVER VIZCONDE - Guwapo pero hindi kasing talino ng kanyang kakambal na si Hopper. Fraternal twins sila kaya hindi rin sila magkamukha at malaki ang pagkakaiba nila sa kilos at ugali dahil kung si Hopper ay palikero, siya naman ay tahimik lang na nagkakagusto sa mga babae. In short, torpe. Torpeng bad boy, ika nga.

OSWALD FERNANDEZ - Mabait, matalino, guwapo at mayaman. Sa kanilang magkakaibigan, siya ang masasabi mong may pinaka-matino at maayos na pag-iisip. Kaya kung paano rin siya naging miyembro ng grupo, pareho lang sila ni Saiyan ng dahilan.

HIRO NAVARRO - Hindi siya pahuhuli sa usapang looks dahil guwapo rin naman. Mayaman din at mayabang kaya siya ang madalas napapa-away. Siya ang madalas nagdadala ng sakit ng ulo sa kanilang grupo.

HARVY FALCON - Guwapo at matalino rin. Kasing-sungit ng isang babae at higit sa lahat, siya ang utak ng mga prank na ginagawa nila. Kaya kung may papalit sa puwesto ng leader nilang si Kenshi, siya na ang unang kandidato.

These are the campus’s seven bad boys. The extremely powerful male group in Heuron International School.

Syempre hindi mawawala ang seven rules ng grupo na dapat sundin ng mga HIS students.

1. STAY AWAY FROM THEM

2. DON'T STARE AT THEM

3. DON'T SPEAK UNLESS SPOKEN TO

4. DON'T TOUCH THEM UNLESS THEY LET YOU

5. DON'T MESS WITH THEM

6. DON'T FIGHT BACK

7. OBEY THEIR RULES

But what will gonna happen when they meet the girls who will dare to break their seven rules?

Are they going to hurt them?

Kick them out of school?

Make them suffer?

-----

A/N: BABALIKAN KO ITO SOON FOR MAJOR EDITING KASI MARAMI TALAGANG ERRORS. FOR NOW, PAGTIYAGAAN NIYO PO MUNA HAHA. SALAMAT KASI KITA KO ARAW-ARAW MARAMING NAGA-ADD NITO SA READING LIST NILA. THANK YOU SO MUCH, PO!

EDITED: THANK YOU FOR THE 200K READS AND 13K VOTES!

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now